Home Celebrities COMELEC, pinaalalahanan ang mga artista na ibunyag kung magkano ang naging bayad sa kanila noong kampanya

COMELEC, pinaalalahanan ang mga artista na ibunyag kung magkano ang naging bayad sa kanila noong kampanya

0

Nagpaalala si Commission on Elections (COMELEC) commissioner George Garcia sa mga artista na nakilahok sa kampanya na ibunyag kung magkano ang kanilang natanggap mula sa mga kandidato na kanilang sinuportahan.

Sa panayam sa kaniya nitong Mayo 30, sinabi ni Garcia na kailangang ilahad ng mga artista ng ‘talent fee’ na kanilang natanggap mula sa pagsali nila sa mga kampanya dahil ito ay nakasaad sa batas.

Makakatulong kasi ang paglalahad ng mga artista upang malaman ng COMELEC kung magkano ba talaga ang nagastos ng mga kandidato nitong halalan.

“It takes two to tango. We respectfully request the artists to at least give us the total picture, the complete picture of what really was spent by the candidate so that we can compare,” ani Garcia sa panayam sa kanya ng TeleRadyo.

Mga celebrities na nagpakita ng suporta kay Robredo

Pinaalalahanan din nito ang lahat ng kandidato na i-file na ang kanilang statement of contribution and expenditures (SOCE) bago mag Hulyo 8.

“Pinapaalala natin, whether nag-withdraw o natuloy, whether natalo o nanalo, sila po lahat ay magfa-file ng kanilang SOCE,” wika ng commissioner.

“Hindi po kami mage-extend beyond June 8,” dagdag niya pa.

Ang mga kandidato na bigong magfile ng kanilang SOCE ay maaring maharap sa kaso at multa at kung gawin nila ito ng paulit ulit ay maaring hindi na sila makatakbo sa susunod na mga halalan.

Kasama sa SOCE ang paglalahad ng kandidato ng kanilang mga natanggap ng donasyon mula sa iba’t ibang indibidwal.

Mga celebrities na nagpakita ng suporta kay Bongbong Marcos

Matatandaan na naging star-studded ang eleksyon ngayong 2022 kung saan ay tila nagparamihan ng artista ang mga kandidato.

Ngunit hindi maitatago na talagang ang nanguna sa dami ng suporta mula sa mga celebrities at si Vice President Leni Robredo.

Pahayag naman ng ilang artista na sumuporta kay Robredo, hindi sila binayaran para sumuporta sa kanilang kandidato.

Facebook Comments