Home Celebrities Pangulong Duterte, nag-eempake na ng kanyang gamit bilang paghahanda sa pagbabalik niya sa Davao City

Pangulong Duterte, nag-eempake na ng kanyang gamit bilang paghahanda sa pagbabalik niya sa Davao City

0

Inuumpisahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pag-eempake ng kanyang mga gamit sa Malacanang bilang preperasyon niya sa kanyang pagbabalik sa Davao City.

Ito ang pagbabahagi ni Sen. Christopher “Bong” Go sa ilang media outlets nitong Mayo 29.

“Uuwi muna siya nang Davao. Doon muna siya, mage-enjoy muna sa kaniyang retirement, buhay bilang private citizen kapiling ang kanyang apo, kanyang mga anak,” ani Go.

Sinabi ito ni Go isang araw matapos makita si Duterte na ginagawa na muli ang kanyang libangan na paglilibot sa iba’t ibang lugar gamit ang motorsiklo.

Matatandaan na sinabi ni Pangulong Duterte noon na hindi niya na tatapusin pa ang termino niya na namamalagi sa Malacanang at uuwi na kagad ito sa Davao City upang makapagpahinga matapos ang anim na taon niyang pagsisilbi sa bansa.

Nitong Pebrero pa lamang daw ay pinaghahandaan na ng pangulo ang pag-uwi sa Davao na pinagsilbihan niya ng ilang dekada bago maging lider ng bansa.

“Nag-iimpake na po ako,” ani Duterte. “In a little over three months, ‘yung excess wala na ‘yun. So I should be out by — by March. Hindi ko na paabutin ng Abril. Hindi na ako matutulog rin dito. Kung saan ako dalhin ng Panginoong Diyos, mag-practice na ako tulog doon,” 

Balak din daw nitong bumili na lamang ng condominium sa Maynila upang doon mamahinga kapag mayroon siyang pupuntahan sa Luzon.

“Nagplano kami na ano magbili na lang ng — ‘yung mumurahin na… O hindi ko kaya kung maganda. Pag-alis ko dito, wala akong matirahan. Wala akong mga cousins because all of them are in America so wala akong bahay dito,” sabi pa ng pangulo.

Matatapos ang termino ni Duterte sa June 30, 2022.

Facebook Comments