HomeCelebritiesLolit Solis pinagkumpara si Bea Alonzo at Marian Rivera: "Mukhang mas matanda...

Lolit Solis pinagkumpara si Bea Alonzo at Marian Rivera: “Mukhang mas matanda si Bea na wala pang asawa at anak”

Inulan muli ng batikos ang talent manager at kolumnista na si Lolit Solis matapos nitong pagkumparahin ang dalawang Kapuso actress na sina Bea Alonzo at Marian Rivera.

Sa kanyang mga Instagram post ay ilang beses pinagkumpara ni Lolit sila Bea at Marian na pawang endorser ng isang beauty product.

Tinawag din ni Lolit na ‘starlet’ si Bea kahit na isa na itong sikat na sikat na aktres.

“Paano kaya ang gagawin ng Beautederm na pag launch sa dalawa nilang endorser na sila Marian Rivera at Bea Alonzo, Salve. Kasi ang ganda ganda ni Marian Rivera kahit may 2 anak na, samantalang mukhang mas matanda si Bea Alonzo na wala pang asawa at anak,” ani Lolit.

“Imagine mo na sa presscon lang kita mo na ang big difference ng dalawa, si Marian, advance ng kalahating oras, samantalang si Bea LATE ng 2 oras. Grabe ang difference di bah ! Kaloka ! Eh mas sikat si Marian Rivera, mas maganda at mukhang bata pero hindi late dumating at hindi binigyan ng sakit ng ulo ang Beautederm, heto si Bea na parang starlet na lang ngayon, mukhang matanda, ewan bakit ghosting ni Gerald Anderson, at sa edad niya hangga ngayon wala parin anak pero mas maganda parin katawan ni Marian Rivera.” dagdag niya pa.

“Parang hindi na bagay si Bea Alonzo dahil sapaw siya sa beauty ni Marian. Saka dapat makakita na siya ng BF na hindi siya ghosting at pakasalan na siya dahil nagkaka edad na siya.”

 

Ilang netizens naman ang hindi nakatiis na batikusin si Lolit dahil tila sumosobra na ito sa mga sinasabi niya laban kay Bea.

I am not a Bea Alonzo fan, but Lolit Solis is way to overboard with her anger towards her. She has to be put in her place. Her being old isn’t a license to be this sh*tty. Sarap batukan ni Lolit Solis. Pumapatol ako sa matanda talaga.” sabi ni netizen @jr_castro03.

“Pls relay Ms @salveasis to Ms Lolit Solis , Bea doesn’t need to be compared with anyone, she has achieved so much in her life. God is so good to her. She has so many television shows and movies that are exemplary hits. She is blessed with a big farm and now a new property Madrid,” komento naman ni @cyber_mayang.

Wala pang tugon si Bea sa mga banat sa kanya ng kolumnista.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular