Home Politics Juan Ponce Enrile, walong araw na na-ospital dahil sa ‘severe pneumonia’: “I feel very weak, but I am still alive. I leave it to Him

Juan Ponce Enrile, walong araw na na-ospital dahil sa ‘severe pneumonia’: “I feel very weak, but I am still alive. I leave it to Him

0

Ibinahagi ni dating senate president Juan Ponce Enrile na walong araw siyang na-ospital dahil sa kanyang karamdaman.

Sa kanyang komento sa blogger na si MJ Quiambao Reyes, ibinahagi ni Enrile na nagkaroon siya ng ‘severe pneumonia’ at sa kabutihang palad ay nakaligtas siya dito sa tulong ng high dosage ng mga antibiotics.

Ngunit ayon sa kanya ay nakaapekto sa kanyang katawan ang nasabing gamutan at bumaba rin ang timbang niya.

Hanggang ngayon din daw ay nanghihina parin ito ngunit ipinapasa niya na sa Panginoon kung ano ang mangyayari sa kanya.

“By the way, I just left Makati Med where I was confined for eight days. I had severe pneumonia. I was saved by high dosage of antibiotics, which affected my intestines. I am still recuperating. I lost a lot of weight,” wika ni Enrile.

“God has a purpose. I feel very weak, but I am still alive. I leave it to Him. Whatever will be, will be!!” dagdag niya pa.

Matatandaan na marami ang nag-aalala sa kalusugan ng beteranong politiko lalo na’t 98 anyos na ito.

May ilan din na nagtaka kung bakit hindi ito dumalo sa proklamasyon ni president-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na kanyang kaalyado.

Nagpadala naman ng dasal ang mga netizens kay Enrile.

“Praying for you sir JPE. May god bless you and protect you.” ani Malcolm Conlan.

“I declare complete healing & recovery for you dear JPE in Jesus name Amen. May misson pa kayo Sir sa sambayanan, Please record in a book for future generation to read about the fact & truth during FEM Martial law & EDSA revolution as you are the active participant on both. Thanks po JPE get well soon,” wika ni PD Franz.

Facebook Comments