Home Celebrities Juan Ponce Enrile sa panawagang kunin si Robredo sa BBM cabinet: “Wala na bang kahihiyan?”

Juan Ponce Enrile sa panawagang kunin si Robredo sa BBM cabinet: “Wala na bang kahihiyan?”

0

Binatikos ni dating Senate President Juan Ponce Enrile si Vice President Leni Robredo matapos kumalat ang panawagan na kunin ni president-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang kanyang pinakamahigpit na karibal sa gabinete nito.

Matatandaan na ilang netizens ang hiniling kay Marcos na kunin si Robredo at ang ka-tandem nito na si Sen. Kiko Pangilinan kung talaga nga bang totoo ang unity na isinusulong ng president-elect.

READ MORE: ‘Para sa Unity!’ Bongbong Marcos, hinimok ng ilang netizen na kunin si VP Leni bilang gabinete niya

“Do You Actually think their Unity Cry is Real? I will believe it if he puts Bam Aquino, Mar Roxas to key Positions and after the 1 year Appointment Ban on Candidates, put Kiko as DAR Sec and Leni Robredo as DSWD Sec. then I will Believe their One and Only Platform of UNITY!” isa sa mga tweet ng mga nananawagan kay Marcos.

Ngunit ayon kay Enrile, hindi tama na kunin ni Marcos si Robredo sa gabinete.

“Ano ba yan? Bantay salakay? Wala na bang kahihiyan? Naku naman!! Linabanan mo. Minura mo. Tinawag mong magnanakaw. Pagkatapus natalo ka. Sasama ka sa kanya? Lululunin mo lahat nang masama na sinabi mo tungkol sa kanya? Wow!!! Terrible!!” mensahe ni Enrile kay Robredo.

“Beware of wolves in sheepskins. Learn from Vladimir Lenin’s teachings to his communist warriors and workers. President BBM, be careful!” dagdag niya pa.

Ayon kay Enrile ay kung may “delicadesa” si Robredo ay hindi niya tatangapin ang pagta-trabaho kay Marcos.

 

 

Facebook Comments