HomeCelebritiesAndrea Brillantes, binatikos dahil sa 'baby talk' nito habang nabili sa tindahan

Andrea Brillantes, binatikos dahil sa ‘baby talk’ nito habang nabili sa tindahan

Tila mainit parin ang mata ngayon ng mga netizens sa aktres na si Andrea Brillantes.

Sa isang video na kumakalat ngayon sa social media, makikita si Andrea habang bumibili ng pagkain sa isang tindahan sa gitna ng kanilang out-of-town trip upang ipagdiwang ang birthday ng kanyang nobyo na si Ricci Rivero.

Mapapansin na tila kakaiba ang pagsasalita ni Andrea at ayon sa mga netizens ay tila ‘baby talk’ ang ginagawa nito.

“Tapos po cream-o dalawa, eto po ‘yung cookies and cream,” ani Andrea.

Ilang netizens naman ang hindi mapigilan na magbigay ng kanilang reaksyon sa nasabing video ni Andrea.

“Isa pala ako sa 31M na sinabihan mong walang utak girl. Kaloka ka day!” sabi ni Algepel Dacaldacal.

“Epal talaga eto artists eto kla nia marami natutuwa sa mga pinag gagawa nia,” komento naman ni Joselito Bernabe.

“I am beginning to feel there is something wrong with her already  she is 18 andnis acting out  hindi normal,” wika ni netizen Mary Ann Carlos.

Matatandaan na inulan kamakailan ng batikos si Andrea dahil sa kanyang komento sa mga netizens matapos ang halalan.

READ MORE: Andrea Brillantes, dismayado sa resulta ng halalan: “Nasaan ang utak nyo?”

“Seriously people??? Nasan ang utak nyo???” tanong ni Andrea.

Dahil dito ay hanggang ngayon ay hindi parin siya tinatantanan ng pambabatikos at umabot pa sa punto na may isang negosyo ang hindi na siya kukunin bilang celebrity client.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular