Home Celebrities Pokwang tanggap na ang pagkapanalo ni BBM: “Nirerespeto ko at buong pusong tinatanggap”

Pokwang tanggap na ang pagkapanalo ni BBM: “Nirerespeto ko at buong pusong tinatanggap”

0

Tanggap na ng komedyante na si Marietta Subong o mas kilala bilang ‘Pokwang’ ang naging resulta ng halalan.

Sa kanyang tweet, sinabi ni Pokwang na nirerespeto niya ang pagkapanalo ni president-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na nanalo ng malaking lamang sa manok ng komedyante na si Vice President Leni Robredo.

Ngunit ayon sa kanya ay hindi ibig sabihin nito ay mag-iiba na siya ng pananaw sa politika at mananatili parin siyang ‘Kakampink’.

“Kung ano man ang meron tayo ngayong administrasyon nirerespeto ko at buong pusong tinatanggap, ngunit nais kong ipagsigawan na ako ay proud na isa ako sa tumindig at patuloy na titindig #loudandproud #proudkakampink,” ani Pokwang.

Kalakip ng kanyang post ang nakuhang boto ni Robredo at ka-tandem nito na si Sen. Francis “Kiko” Pangilinan.

Hati naman ang reaksyon ng ilang netizens sa post ni Pokwang.

“Hindi pwedeng respetuhin ang isang pinuno na ayaw magbayad ng 203 Billion estate tax at may stolen wealth. Lagi natin ito ipaalala sa taumbayan. Hindi dapat respetuhin at tanggapin si Bongbong Marcos bilang presidente.” sabi ni netizen @harperblammo.

“Why not magkaisa nalang tayong lahat for the betterment ng Pinas, hindi yung kinucontra natin kung anu yung decisyon ng taong bayan. Di tayo uunlad kung may gantong mindset.” tugon naman ni @fryblnch.

“Baka nga hindi lang yan 15m naniniwala ako na marami pa ang hindi na isama sa bilang..pero para sa bayan titindig pa din tayo para angat buhay ang kahat! Love u mamang..” tweet naman ni @bebibobu12.

Kahit ang celebrity na si K Brosas ay tinanggap narin ang resulta ng halalan.

Isa si Pokwang sa mga pinaka-aktibong tagasuporta ni Robredo sa social media.

Umabot pa nga sa punto na nakikipagtalo na ito kahit sa mga kasamahan niya sa Kapuso Network.

Facebook Comments