Home Celebrities Pagbisita ni Sheryl Cruz sa lamay ni Susan Roces, pinag-usapan: “Walang pumapansin. Kahit mga kamag-anak, kahit mga pinsan,”

Pagbisita ni Sheryl Cruz sa lamay ni Susan Roces, pinag-usapan: “Walang pumapansin. Kahit mga kamag-anak, kahit mga pinsan,”

0

Usap-usapan ngayon sa social media ang pagdalaw ng aktres na si Sheryl Cruz sa burol ng kanyang tita na si Susan Roces.

Ayon kasi sa ilang kolumnista ay tila hindi naging maganda ang pagtrato ng mga kamag-anak ni Roces kay Cruz kasama na dito si Sen. Grace Poe.

Ito daw ang posibleng dahilan kung bakit hindi nakita sa libing ng Queen of Filipino Movies si Cruz.

“Walang pumapansin kay Sheryl, walang pumapansin kahit staff ni Senator Mary Grace, wala. Kahit mga kamag-anak, kahit mga pinsan,” ayon sa batikang kolumnista na si Cristy Fermin sa kanyang show na Cristy Ferminute.

Ginawa rin itong paksa ni Lolit Solis sa kanyang social media post.

“Hindi natin alam ang dahilan kung bakit nangyayari ito, ang hindi pagpapakita sa mga panahon na dapat nanduon siya. Sa kultura kasi ng mga Pilipino malaking bagay ito, kaya hindi nila maisip paano nagagawa ni Sheryl Cruz. Si Sheryl lang ang puwedeng sumagot nito, siya lang ang may alam kung bakit,” sabi ni Solis.

Matatandaan na noon pa lamang ay tila hindi na maganda ang relasyon ni Cruz at Sen. Poe dahil sa mga naging pahayag noon ng aktres noong tumatakbo sa pagkapangulo ang senadora.

“I’m not belittling her capabilities. It’s just that she would be a more effective president come 2022 and not 2016,” sabi ni Cruz noon matapos siyang tanungin kung maari na nga bang maging pangulo si Sen. Poe.

“I’m not here for anybody’s gain. It’s not to further someone agenda or political career. Wala nag-uudyok sa akin para gawin ito. I have my own conscience,” dagdag niya pa.

Nirerespeto naman daw ng kanyang tita Susan ang opinyon niya.

“My aunt always respected our views and opinions. We may have different opinions of each other but at the end of the day, pamilya pa rin kami at blood will always be thicker than water,” sabi pa ng aktres.

Wala pang pahayag si Sen. Poe at Cruz tungkol sa nasabing isyu.

Facebook Comments