HomeCelebritiesDating first lady Imelda Marcos sa pagkapanalo ni BBM: "I have two...

Dating first lady Imelda Marcos sa pagkapanalo ni BBM: “I have two presidents”

Hindi maitago ni dating first lady Imelda Marcos ang kanyang pagkagalak sa pagkapanalo ng kanyang anak na si president-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Sa isang video na kumakalat sa social media, makikita ang dating unang ginang na naglalabas ng kanyang pahayag matapos maproklama ang kanyang anak na nakakuha ng mahigit 31-M na boto.

“I have two Presidents,” ani Imelda.

Sinagot naman ni Marcos ang pahayag ng kanyang ina.

“Sa inyo naman ni Daddy lahat ito eh,” sabi ng susunod na pangulo.

Ilang netizens din ang nagbigay ng kanilang komento.

“I admire the spirit of this lady and surely, the 31m Filipinos are so happy for her being able to witness her 2 presidents in the family…God bless ang buong lahi ni President FERDINAND EDRALIN MARCOS Sr.and the first lady Imelda R. Marcos,” sabi ni netizen Mabel Lazaro.

“Nakakaiyak at natutuwa ako na makitang masaya kayong muli mahal naming tunay na ina ng bansa. We love you Ma’am Imelda Marcos. We really love all Marcoses. God bless you always.” komento ni Yolanda Crowley.

“Naiyak ako at least natauhan n mga ibang tao nkabalik sila ulit kung saan duon lumaki ang mga mgkakapatid mbabuhay po mdam long live po,” wika ni Palupe Buen.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular