Home Uncategorized Coach Chot Reyes sinagot ang mga basher: Hindi ako nagtatrabaho sa inyo

Coach Chot Reyes sinagot ang mga basher: Hindi ako nagtatrabaho sa inyo

0

May mensahe ang Gilas Pilipinas head coach na si Vincent “Chot” Reyes sa mga bumabatikos sa kanya matapos itong gumawa ng kasaysayan sa Southeast Asian (SEA) Games nitong Mayo 22.

Matatandaan na matapos ang 33 na taon ay bigong makakuha ng gintong medalya ang Pilipinas sa SEA Games dahil sa kanilang pagkatalo sa bansang Indonesia sa score na 85-81.

Ilan pa sa mga netizens ay gusto siyang ipag-resign at sinisi sa pagkatalo ng Gilas.

Ngunit ayon kay Reyes ay hindi naman niya pinapansin ang mga kritiko niya dahil hindi naman siya nagta-trabaho para sa kanila.

“I don’t work for the bashers or for the haters. I win, I’m basked. I lose, I’m bashed, but I worry more about my family. They’re getting bashed, too.” sabi ni Reyes.

“My mandate is to prepare the best team for the World Cup 2023, and this [SEA Games] is a part of it, so let’s not lose sight of the big picture, and there’s also the FIBA Asia Cup in August in Indonesia,” dagdag niya pa.

Pinuri din naman nito ang Indonesia dahil sa nagawa nilang talunin ang Pilipinas.

“Indonesia came well prepared, its homework done and efficiently executed. I gave my best and  we took the worst with the best. It’s a deep sadness and disappointment.”

 

Facebook Comments