HomeCelebritiesTinupad ang pangako! VP-elect Sara Duterte, nagsilbing nanay para sa graduation ng...

Tinupad ang pangako! VP-elect Sara Duterte, nagsilbing nanay para sa graduation ng isang supporter

Tinupad ni Vice President-elect Sara Duterte ang kanyang pangako sa isang estudyante na kanyang tagasuporta na hiniling na sana’y masamahan siya nito sa kanyang graduation.

Sa mga larawan na ibinahagi ni dating Movie and Television Review and Classification Board Chairperson Rachel Arenas ay makikita si Duterte na sinamahan ang estudyante na si Angel Tayaba na nag-graduate with honors sa Virgen Milagrosa University Foundation (VMU).

Matatandaan na humiling si Tayaba na samahan sana siya ni Duterte sa kanyang graduation dahil sa ang kanyang ina ay isang Overseas Filipino Worker (OFW).

Tinupad naman ni Duterte ang kanyang pangako at naging pansamantalang ina para kay Tayaba.

Mismong ang susunod na bise presidente ang nagsabit ng medalya sa estudyante.

Lubos lubos naman ang pagkagalak ng ina ng estudyante na si Rona San Miguel.

“SINO B NMAN MAG AAKALA SA ISANG SIMPLENG PLACARD NG ISANG ORDINARYONG KABATAAN AT ORDINARYONG ESTUDYANTE N MANGYAYARI ANG KANYANG MUNTING HILING SA ISANG BISE PRESIDENTE NG REPUBLIKA NG PILIPINAS…” ani San Miguel sa kanyang post.

“ISANG MALAKING KARANGALAN TLG TO S AKIN BILANG ISANG INA N MILYA MILYA ANG LAYO S KANYANG ANAK… MARAMING MARAMING SALAMAT PO VP MAYOR INDAY SARA DUTERTE SA PAGDATING SA GRADUATION NG AKING ANAK AT IKAW ANG TUMAYO BILANG INA NIYA S HNDI MAKAKALIMUTANG MAGANDANG PANGYAYARI S KANYANG BUHAY…
TUNAY N MAY PUSO AT MALASAKIT…” dagdag niya pa.

 

Hindi naman naiwasan ng ilang netizens na maging emosyonal dahil sa pagtupad ni Duterte sa kanyang pangako sa munting hiling ng kanyang tagasuporta.

“Congrats may pamangkin Angel Mae San Miguel Tayaba salamat po Congresswoman at sa ating mahal na Bise Presidente Sara Duterte,” sabi ni netizen Roxan Gonzales.

“Wow…bigat mo Teng…VP SARA pa nagsabit medalya…Congrats…ipagpatuloy ang magandang pangarap…mga kabataan na future good leaders..” komento ni Marlon Boquiren.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular