Home Celebrities Prof. Clarita Carlos, tatanggapin ang alok na magtrabaho sa ilalim ng BBM administration

Prof. Clarita Carlos, tatanggapin ang alok na magtrabaho sa ilalim ng BBM administration

0

Ibinahagi ni retired University of the Philippines (UP) professor Clarita Carlos na handa siyang tanggapin ang alok ni president-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na posisyon sa gobyerno.

Sa kanyang Facebook post, ibinahagi ni Carlos ang kanyang kwentuhan kasama ang kanyang kaibigan tungkol sa posibleng pagpasok niya sa gabinete ni Marcos.

Ayon sa kanya ay tatanggapin niya ang alok sa kanya basta’t naayon sa kanyang kaalaman ang magiging trabaho niya.

“Siempre tatanggapin ko kung saklaw ng aking alam,” sabi ni Carlos sa kanyang post nitong Mayo 26.

Kamakailan lang ay kumalat sa social media ang posibleng pagiging Foreign Affairs Secretary niya sa ilalim ng susunod na administrasyon.

Ngunit hanggang ngayon ay hindi pa ito kinukumpirma ng susunod na pangulo.

clarita carlos post

Isa si Carlos sa mga eksperto sa geopolitics na laging pinapanood ng mga netizens.

Lalo pang sumikat ang propesor ng siya ay maging panelist sa presidential debate ng SMNI.

Ngunit kapalit ng kanyang pagsikat ay ang pambabatikos sa kanya ng ilang netizens pati narin mismo ang mga dati niyang kasamahan sa UP.

Matatandaan na nagreklamo si Carlos matapos siyang alisin ng UP Political Science department sa listahan ng kanilang mga roster ng regular faculty members ng nasabing departamento.

“Ayaw ko namang sumikat. Dito lang ako sa university. Kaya lang talagang sobrang sakit ng loob ko na mantakin mo 56 years mong binubuno iyong mundo, iyong department, etc.. through sheer hard work and perseverance,” ani Carlos.

“Tinatatag mo iyong pangalan mo ng 56 years, tapos buburahin lang nitong mga bata na ‘to? ‘Diba ang sakit sa damdamin,” dagdag niya pa.

 

Facebook Comments