Home Celebrities Liza Soberano, hindi na nag-renew ng kanyang kontrata sa talent manager na si Ogie Diaz

Liza Soberano, hindi na nag-renew ng kanyang kontrata sa talent manager na si Ogie Diaz

0

Ikinagulat ng mga netizens ang pagpapalit ng manager ng aktres na si Liza Soberano na matatandaang matagal ng hawak ni Ogie Diaz.

Sa kanyang vlog, ibinunyag ni Ogie na hindi na siya ang manager ni Liza at nakahanap na ito ng bagong hahawak sa kanya.

“Marami na ang nag-approach sa akin. Marami na rin ang tumatawag sa akin kung si Liza ba under my management pa rin at pag may nag-iinquire sa akin ay ipinapasa ko sa iba. Unang-una sa lahat, legally speaking, ako pa rin ang manager ni Liza Soberano hanggang May 31, 2022,” sabi ni Ogie sa kanyang vlog.

Ayon sa kanya ay hindi na nag-renew ng kontrata si Liza sa kanya dahil sa mas gusto na nitong mag-focus sa kanyang career sa hollywood.

Wala naman daw sama ng loob ang talent manager sa aktres.

“Ang sine-save ko kasi, yung friendship kasi ang haba ng panahon na pinagsamahan ninyo eh. Hindi mo dapat sayangin ‘yun dahil wala ka nang kinikita sa bata o wala na akong naibibigay na project sa bata.” wika niya.

“Hindi doon nagtatapos ang relasyon dahil lagi ko ring sinasabi yan kay Liza na hindi mo dapat pinuputol ‘yung tulay. Kasama don sa kanyang mensahe na gusto niyang mag-try sa Hollywood,” pagpapatuloy ni Ogie.

“Yung utang na loob ko sa batang yan ay napakalaki dahil ‘yung mga kinita ko sa kanya, doon din naman ako humugot para mabuhay yung anak ko na si Miracle.”

Sa ngayon ay ang aktor na si James Reid na ang hahawak kay Liza habang ito ay sinusubukang maging matagumpay ang career sa hollywood.

 

 

Facebook Comments