HomeCelebritiesErwin Tulfo, posibleng maitalaga bilang DSWD Secretary sa ilalim ng administrasyong BBM

Erwin Tulfo, posibleng maitalaga bilang DSWD Secretary sa ilalim ng administrasyong BBM

Posibleng matalaga bilang susunod na secretary ng Department of Social Welfare and Development ang mamamahayag na si Erwin Tulfo.

Lumabas ang nasabing ulat sa scoop ng news website na Politiko kung saan ay mismong si president-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang gusto ang mamamahayag na maging parte ng kanyang gabinete.

Si Tulfo ang fourth nominee ng ACT-CIS partylist na nakakuha ng tatlong upuan ngayong 2022 elections sa kongreso.

Sa ngayon ay wala pang kumpirmasyon mula kay Tulfo kung sasali ba siya sa administrasyon ni Marcos.

READ MORE: Kilala ng mahihirap! Erwin Tulfo eyed as Marcos Jr’s DSWD Secretary

Matatandaan na noong 2019 ay binatikos ni Tulfo ang DSWD sa pamumuno ni Secretary Rolando Bautista dahil sa hindi nito pagpapaunlak ng panayam sa kanya.

“Tinatawagan ka namin para marinig ng mga kababayan nating mahihirap ang stand ng mga mahihirap. Hindi ‘yung sasabihan mo kami na sumulat muna kayo five days before. Eh sino ka bang p**** ka na kailangan ko pang sumulat-sulat sa’yo? Sagutin mo ‘yang telepono mo dahil ikaw ay DSWD!” sabi ni Tulfo.

“Sampalin kita ‘pag nakita kitang buang ka eh, wala akong pakialam ke retired General ka, mudmurin ko yung mukha mo sa inidoro. Dagdag ka sa problema.” dagdag niya pa.

Humingi naman kalaunan ng paumanhin si Tulfo sa mga nasabi niya sa retiradong heneral.

Ngunit hindi niya babawiin ang ilan sa mga sinabi niya dahil sa hindi naman daw talaga malaman ng taumbayan ang mga plano ni Bautista para sa mga mahihirap.

“Yung ‘Wala kang silbi,’ that I will not take back because ayaw niyang sumagot. Mga tao nag-aantay. Eversince maupo si Secretary Bautista sa DWSD, ni nungka hindi malaman ng mga tao ang plataporma niya o ano ang plano niya sa ahensya,”

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular