HomeCelebritiesCristy Fermin, hindi maiwasan 'maawa' kay Sharon Cuneta dahil sa mga post...

Cristy Fermin, hindi maiwasan ‘maawa’ kay Sharon Cuneta dahil sa mga post ni Frankie Pangilinan

Hindi maiwasan ng kolumnista na si Cristy Fermin na ‘maawa’ kay Megastar Sharon Cuneta dahil sa pambabatikos na natatanggap nito dahil sa mga post ng kanyang anak na si Frankie Pangilinan.

Sa kanyang programang ‘Showbiz Now Na!” pinag-usapan nila ang larawan ni Frankie na kuha matapos niyang bumoto.

Makikita kasi na inilagay ni Frankie ang indelible ink sa kanyang middle finger na nagpataas sa kilay ng maraming netizens.

“Kahit saan naman ilagay… Pero dipende sa magiging interpretasyon ng mga kababayan natin. Kasi mahahaluan ng ibang kulay yun… Kasi pag dito sa middle finger, masama po ang konotasyon nito…” sabi ni Fermin.

frankie sharon 1

Ayon kay Cristy ay nalulungkot siya para kay Sharon dahil sa tingin niya ay nadadamay lamang ito sa pambabatikos ng netizens kay Frankie.

“Nakakalungkot. Ako, nalulungkot para kay Sharon Cuneta. Dahil marami siyang kakaining salita na binitiwan nuon tungkol kay Kakie. Tapos ito pala yung pinagmamalaki niyang anak. Pero siyempre magagalit si Sharon sa mga sinasabi ng ating mga kababayan.” wika ng batikang kolumnista.

“Ito po ay itinatawid namin sainyo mula po sa mga nadidinig, napapanuod namin. Hindi po namin isang daan porsiyento na pinaniniwalaan pero kami po yung tulay para maipaabot kay Sharon at kay Sen. Kiko kung ano ang reklamo ng ating mga kababayan sa kanilang anak…” dagdag niy apa.

“Naaawa ako kay Sharon Cuneta, hindi lang dahil kay Kakie, kundi sa sobrang galit kay Kakie ng ating mga kababayan dahil sa mga pinag gagawa, sakanya tuloy pumasok yung galit… Nakakalungkot na ang nagbigay din ng lungkot kay Sharon ay ang kanyang anak. Pero siyempre, lagi siyang may dahilan at katwiran para isalba ang kanyang anak…”

Matatandaan na hindi tanggap ni Frankie ang naging resulta ng halalan.

“I’m not going to have my President be name Marcos again!” sabi ng singer.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular