Home Celebrities Valentine Rosales, binatikos si Zeinab Harake: “Bat kailangan mo sipain ‘yung friend ko?”

Valentine Rosales, binatikos si Zeinab Harake: “Bat kailangan mo sipain ‘yung friend ko?”

0

Hindi nakapagtimpi ang internet celebrity na si Valentine Rosales matapos diumanong saktan ng vlogger na si Zeinab Harake ang kanyang kaibigan.

Sa kanyang Facebook post, tinawag na ‘Zeinab Karate’ ni Valentine ang kontrobersiyal na vlogger dahil diumano sa isang insidente na nangyari sa isang club.

“Grabe ka Zeinab Karate nanakit? Bat kailangan mo sipain yung friend ko? Wala kang karapatan! Di ka ba madaan sa maayos na usap? Wag mo naman dalhin yung ugali mong yan sa loob ng club. Wala po kayo sa boxing arena para gawin yan ok? Di ako papayag na inaalipusta ang kaibigan ko.” sabi ni Valentine sa kanyang Facebook post.

Hindi naman malaman kung sino ang kaibigan ni Valentine na diumano’y sinaktan ni Zeinab.

Ilang kakilala naman ni Valentine ang ipinagtanggol si Zeinab at sinabi na huwag itong mangialam.

Screencap mula sa Facebook page ni Valentine Rosales

 

Wala pang tugon si Zeinab sa akusasyon sa kanya ni Valentine na sumikat sa social media dahil sa kanyang pagiging sangkot sa Christine Dacera case.

READ MORE: Lalake na kalambingan ni Christine Dacera sa CCTV footage, itinanggi ang paratang laban sa kanya

Samantala ay nag-viral naman sa social media ang hashtag na #justiceforzeinabharake kung saan nagpakita ng suporta ang mga netizens sa vlogger.

Ito’y matapos kumalat sa social media ang isang video kung saan makikita si Zeinab na may mga kasamang pulis at abogado.

Hindi naman malaman kung ano ang buong detalye sa nasabing video.

@angelasugpin2

ZEINAB HARAKE NASA GSIDE?? MAY KASAMANG MGA PULIS AT MGA LAWYERS? BAKIT KAYA?

♬ ZOOM – Jessi

 

Matatandaan na usap-usapan ngayon si Zeinab dahil diumano sa ipinagpalit ito ng kanyang partner na si Skusta Clee sa ibang babae.

Kumalat sa social media ang diumano’y third party sa relasyon ni Skusta at Zeinab ngunit hanggang ngayon ay hindi pa ito kinukumpirma ng dalawa.

 

Facebook Comments