Home Uncategorized Tito Sotto, hindi “bitter” sa pagkatalo kay Inday Sara: ” Masarap mabuhay ng walang masamang tinapay sa kapwa”

Tito Sotto, hindi “bitter” sa pagkatalo kay Inday Sara: ” Masarap mabuhay ng walang masamang tinapay sa kapwa”

0

Ipinakita ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III na hindi masama ang loob niya sa pagkatalo niya nitong nakaraang halalan kay Vice President-elect at Davao City Mayor Sara Duterte.

Sa kanyang Facebook post, ibinahagi ni Sotto ang mga larawan na kuha nitong proklamasyon nila Duterte at ka-tandem nito na si president-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ayon sa kanya ay mas pinili niya na maging mabuti sa katunggali na tumalo sa kanya imbis na damdamin ito.

Ipinagdasal din nito ang bagong pangulo at ikalawang pangulo ng bansa.

“I choose kindness over bitterness, hope over regret and a positive attitude over despair. Masarap mabuhay ng walang masamang tinapay sa kapwa. Isang karangalan ang maging mabuting tao matalo ka man o manalo.” ani Sotto.

Matatandaan na si Sotto ang nangunguna noon sa mga vice presidential survey bago magdesisyong tumakbo si Duterte sa parehong posisyon.

Matapos ang halalan ay nakakuha ng mahigit 32,000,000 na boto si Duterte habang pumangatlo naman si Sotto na nakakuha ng 8.1-M na boto.

Pinuri naman ng mga netizens si Sotto dahil sa pagiging “sports” nito.

“You are the decent man and a true public servant that should be emulated by the young generations. I have learned a lot of things from you because of your words of wisdom. Mabuhay po kayo Tito Sen.” sabi ni netizen Amrosi Bansao.

“Yan po ang tamang ugali n dapat n pinaiiral natin.. be happy s tagumpay ng kapwa natin at tumanggap ng pagkatalo at mag move on….salute
mr. vicente tito sotto,” komento naman ni Princess Erich.
Facebook Comments