Home Celebrities Rodjun Cruz, nagpakita ng suporta sa tambalang BBM-Sara: “Ipagdadasal po namin kayo”

Rodjun Cruz, nagpakita ng suporta sa tambalang BBM-Sara: “Ipagdadasal po namin kayo”

0

Nagpahayag ng suporta ang aktor na si Rodjun Cruz kay president-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at VP-elect Sara Duterte.

Sa kanyang Instagram, ibinahagi ni Rodjun ang mga larawan niya kasama sila Marcos at Sara.

Kalakip din ng post ang isang mensahe kung saan ay sinasabi ng aktor na ipinagkakatiwala niya ang kinabukasan ng bansa sa dalawang lider.

“Mr. President-elect @bongbongmarcos & Vice President-elect @indaysaraduterte, Congratulations po sa inyo!🎉🇵🇭 Alam ko po na gagawin niyo ang lahat para sa mas ikauunlad at ikagaganda ng ating bansang Pilipinas. Ipagdadasal po namin kayo. God bless you both always 🙏🏻” wika ng aktor.

Pinuri naman ng ilang tagasuporta ni Marcos si Rodjun dahil sa hindi ito takot na mabatikos dahil sa kanyang pagsuporta sa BBM-Sara.

Glad that Rodjun and his family weren’t afraid of the cancel society.” sabi ni @themichinyeoja.

Isa lamang si Rodjun sa mga artista na nagpakita ng suporta kay Marcos.

Facebook Comments