Home Politics President-elect BBM, bukas na gawing ‘drug czar’ si Pangulong Duterte

President-elect BBM, bukas na gawing ‘drug czar’ si Pangulong Duterte

0

Bukas si President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na kunin si Pangulong Rodrigo Duterte sa susunod na administrasyon.

Sa media briefing na ginawa nitong Huwebes, Mayo 26 ay sinabi ni BBM na wala siyang nakikitang problema kung maging ‘drug czar’ ang pangulo pagkatapos ng kanyang termino.

Ngunit ayon kay Marcos ay tanging si Pangulong Duterte lang ang makakapagdesisyon kung gugustuhin niya pa bang magtrabaho muli sa gobyerno at hindi magretiro.

Nilinaw naman nito na hindi pa sila nag uusap tungkol sa nasabing posibilidad.

“No, he has not, we have not talked about it. But I am open to anyone who is able to help in the government so matagal na kaming magkaibigan ni PRRD, noong mayor pa siya long long time ago,” paliwanag ng susunod na pangulo.

“So I’m sure if he wants to play a part sasabihin naman niya sa akin, I am certainly open to that.” dagdag niya pa.

Ibinahagi din nito na nakiusap sa kanya ang pangulo na ipagpatuloy ang laban sa ipinagbabawal na gamot.

“Do it your own way. He really said that. Palitan mo… but wag mong iiwanan yan kasi kawawa ang kabataan natin. Talagang nasisira ang buhay nila,” sabi ni Marcos.

Matatandaan na noong kampanya ay sinabi ni Marcos na magiging iba ang estilo nila sa paglaban sa ipinagbabawal na gamot.

“Naging matagumpay ang kampanya ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte laban sa ipinagbabawal na gamot, ipagpapatuloy natin ito at sasangkapan natin ng puso ang pagpuksa sa salot ng lipunan na ito,” wika niya.

Facebook Comments