Home Celebrities Michael V, naglabas ng saloobin sa halalan: “Tama bang sabihing 31 million ang nabudol?”

Michael V, naglabas ng saloobin sa halalan: “Tama bang sabihing 31 million ang nabudol?”

0

Ibinahagi ni Michael V ang isang panibagong tula na tila para naman sa mga netizens na hindi parin matanggap ang resulta ng halalan.

Sa kanyang Instagram post ibinahagi ni Bitoy ang kanyang likha kung saan ay hinihimok niya ang mga tao na imbis na kontrahin ang resulta ng halalan ay tanggapin na muna ito.

Sinubukan niya rin kumbinsihin ang mga netizens na bumawi na lamang sa susunod na eleksyon.

Ibinahagi ito ni Bitoy sa gitna ng mga rally at mga panawagan sa social media na huwag irespeto ang naging resulta ng halalan kung saan nanalo si president-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at vice president-elect Sara Duterte.

Ito ang buong tula ng komedyante:

“Nag-iiba ang salita ‘pag ‘sinahog na sa tula.
Mas lumalalim pa kapag isinadula.
Naka-“facepalm” ‘yung isa, ‘yung isa nakanganga.
Hindi magkaka-intindihan ang makata at ang tanga.

“Sa mga nagbabasa, basahin ninyo ng maigi;
Sa mga kakampi ko makinig kayong mabuti;
“Quiet” na lang muna kesa ‘Sugod!’ o “Maghiganti!’
Sa susunod na eleksyon, do’n na lang tayo bumawi.

“’United we stand, divided we fall.’
Lahat ng talong kandidato, napapa-‘sana all’.
Kung daya man o peke, o may mahiwagang troll
Tama bang sabihing 31 million ang nabudol?

“Busina rin paminsan-minsan at mag-menor sa salita.
Baka trak na ang kasalubong, mahirap na ‘pag nabangga.
Minsan trak, minsan kamao, minsan talim, minsan tingga…
Kung hindi ka si Wonder Woman, hindi mo ‘yan masasangga!

“Mamâ o aleng jeepney driver, baka p’wedeng hinay-hinay.
‘Pag matindi ang banggaan pati pasahero damay.
Mas gugustuhin kong lahat tayo e buhay.
‘Pag ang driver e mahusay, iwas-gulo… iwas-lamay.

“Kung tatakbo uli, dapat matuto tayo dito.
Hindi sapat ang puso; lamang pa rin ang matalino.
Hindi rin uubra ‘yung basta ‘kahit na lang sino!’
Dapat ‘yung may “blue check” at verified ang manok mo.

“Ibang-iba na nga ‘yung noon at ang ngayon.
Hindi sapat ang tapang.
‘Wag basta-basta maghamon.
Hindi talaga kaya sa maikling panahon.
Kung paghahandaan natin, at least, anim na taon.

“Kung pakiramdam mo e “IKAW NA” talaga
Maging kampante ka at ‘wag ka nang mag-alala.
Ganyan naman ang bida sa mga pelikula
Sa simula ng istorya, nagpapatalo muna.

“Maging alisto at matalino. Magmasid bago mag-plano.
Dapat e may hangganan; radikal man ang puso mo.
Kung ayaw mong ma-subâ e ‘di ‘wag kang mag-abono!
‘Wag ka nang magpa-apekto. Hindi wakas ang pagkatalo.

“Simple lang ang sinasabi ko, ‘wag nang lagyan ng kulay;
Ito nama’y ‘kuwan’ lang… hindi naman ako nang-aaway.
‘Wag basta-basta patol, ‘wag nang sayangin ang ‘yong laway.
‘Weather-weather’ lang ‘yan! Ganyan talaga ang buhay.”

 

Sa ngayon ay umabot na ng mahigit 14,000 likes ang nasabing post sa social media.

Facebook Comments