Home Celebrities Jim Paredes tinawag na ‘stup*d” ang tanong ni Robin Padilla tungkol kay PNoy

Jim Paredes tinawag na ‘stup*d” ang tanong ni Robin Padilla tungkol kay PNoy

0

Binatikos ni Jim Paredes ang numero unong senador ngayong halalan na si Robin Padilla matapos nitong kwestiyunin ang mga nagawa ni dating pangulong Noynoy Aquino.

Sa kanilang usapan ni dating presidential spokesperson Edwin Lacierda ay makikita si Paredes na tinawag na “stup*d” ang tanong ni Padilla.

“We are in deep trouble when an incoming senator asks a stup*d question like that,” sabi ni Paredes.

Ibinahagi naman ni Lacierda ang mga diumano’y nagawa ni Aquino katulad ng pagdami ng mga call centers sa Pilipinas, pagdami ng mga classroom, upuan at libro sa mga eskwelahan.

Pinagmalaki rin nito ang pagpapatuloy ni Aquino sa conditional cash transfer program ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na napakinabangan diumano ng milyon milyong pamilya.

“Yung Conditional Cash Transfer Program, na monitor ang school attendance mga bata at dahil doon, maraming bata ang pumapasok sa paaralan. Syanga pala, programa yan ni GMA na merun 80,000 families. Pinagpatuloy ni PNoy & bago sya natapos ay tila may 4.2 Milyon families nakinabang.” wika ni Lacierda.

Binanggit din nito ang kontrobersyal na K to 12 Program na nakatulong sa mga Overseas Filipino Worker (OFW) na makapagtrabaho sa abroad.

“Yung K to 12 Program nilunsad din ni PNoy yan. Lingid sa marami, ang requirement ng maraming bansa lalo na sa Europa ay kailangan K to 12 ang educational system ng bansang kukunan ng overseas workers or else they wont hire. Dahil doon, patuloy pa rin ang pag hire ng ating OFWs.” sabi pa ng dating presidential spokesperson.

Hindi naman pinansin ni Padilla sila Lacierda at Paredes.

Matatandaan na binatikos narin ng aktor ang dating tagapagsalita dahil sa hindi nito pagpabor sa isinusulong nilang pederalismo.

READ MORE: Robin Padilla may banat kay Edwin Lacierda at Franklin Drilon: “You had your time, it’s our time”

“Si Sir Lacierda, ‘yung dating kay PNoy kumontra ‘yan, sinabi niya na bakit daw papalitan ang Saligang Batas eh pwede naman daw gawin ito, eh boss bakit hindi ninyo ginawa noong panahon niyo?” tanong ni Padilla.

“Anim na taon rin naman kayong nanungkuluan, bakit ‘yung mga suggest mo hindi niyo ginawa noong panahon niyo… Sa aking palagay kapag lumipas na ‘yung panahon niyo at kayo’y nanilbihan na at kayo ang pinakasiga at kayo ang humahawak ng imperial Manila noong panahon na ‘yon at ang lahat ng desisyon ang inyo, bakit hindi niyo ginawa ng sinabi ninyo?” dagdag niya pa.

Facebook Comments