Home Celebrities Incoming Sec. Trixie Cruz-Angeles, may sagot tungkol sa anti-Marcos tweets niya: “I changed my mind about it”

Incoming Sec. Trixie Cruz-Angeles, may sagot tungkol sa anti-Marcos tweets niya: “I changed my mind about it”

0

Ipinaliwanag ni incoming press secretary Atty. Trixie Cruz- Angeles ang tungkol sa kanyang mga past tweets laban sa pamilya Marcos.

Nitonng Huwebes, Mayo 26 ay kumalat sa social media ang diumano’y mga lumang social media post at comments ni Cruz-Angeles kung saan ay binabatikos nito si dating first lady Imelda Marcos at si president-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

“True justice is when we see at least Imelda Marcos in jail,” sabi ni Cruz-Angeles sa kanyang tweet noong Pebrero 25, 2013.

“He did not have anything to do with the father. He uses ill gotten wealth. That is complicity after the fact.” sabi niya pa sa isang nagtatanggol noon kay Marcos Jr.

Ngunit sa kanyang pahayag ay sinabi ni Cruz-Angeles na matagal ng nagbago ang kanyang pananaw sa mga Marcos at ipinaliwanag niya ito sa isang blog.

“I’ve told my story about how and when I changed my mind about it. Aren’t people entitled to change their minds? I think we are ‘di ba?” sabi ng abogado.

“I think that evolution is a natural thing even among our consciousness. It’s pretty much it. I’m sure you can see them [on the vlog],” dagdag niya pa.

Hindi naman nagbigay ng komento si Marcos tungkol sa mga past tweets sa kanya ni Cruz-Angeles.

Bago siya ma-nominate bilang susunod na PCOO secretary ay naging social media strategist muna ito ng Duterte administration.

Naging kilala rin itong blogger kung saan ay ipinapaliwanag niya sa mga followers niya ang ilan sa mga mahahalagang isyu sa bansa.

Nagbibigay din siya kadalasan ng kaalaman tungkol sa batas.

Facebook Comments