Tila tanggap na ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III ang kanyang pagkatalo sa karibal niya nitong nakaraang halalan sa pagkabise presidente na si Vice President-elect at Davao City Mayor Sara Duterte.
Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ni Sotto kung ano nga ba ang masasabi niya ng makita niya ng personal si Duterte matapos ang proklamasyon nito sa kongreso nitong Mayo 25.
Pinasalamatan din nito ang susunod na bise presidente dahil sa mabuting pakikitungo nito sa kanya.
“She was so nice! Thank you Madam VP๐,” ani Sotto sa kanyang post.
View this post on Instagram
Maliban kay Duterte ay binati din nito si president-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
“Good luck and God Bless Mr. President,” wika ng beteranong senador.
Bigong matalo ni Sotto si Duterte matapos itong makakuha ng 8,183,184 boto, malayo sa nakuha ng alkalde na 31,561,948.
Ikatuwa naman ng mga netizens ang pagiging “sport” ni Sotto.
“Salute to Tito Sen๐ u will have your own perfect time, such a great example of a leader. Congrats sa ating bise presidente Mam Inday Sara, well deserved,” sabi ni Jha Fernandez.
“Wow… yan c tito sotto… sports lang,” wika ni @jenebeth Bataller.
“Idol nadin kita tito sen,” komento naman ni Melbert Noval.