Home Celebrities pro-Duterte blogger na si Atty. Trixie Cruz-Angeles, itatalagang susunod na PCOO secretary

pro-Duterte blogger na si Atty. Trixie Cruz-Angeles, itatalagang susunod na PCOO secretary

0

Tinanggap na ng kilalang pro-Duterte blogger na si Atty. Trixie Cruz-Angeles ang nominasyon sa kanya ni president-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. bilang susunod na secretary ng Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Kinumpirma ito ni incoming executive secretary Atty. Vic Rodriguez.

Sa kanyang pahayag ay puno ng pasasalamat ang abogado dahil sa pagkakatalaga sa kanya ni Marcos na hawakan ang PCOO na ang trabaho ay iparating sa media ang mga mensahe ng gobyerno.

“I am grateful for the opportunity I am given to take part in the administration of President Bongbong Marcos as his Press Secretary. It is with humility that I accept the nomination and assume the responsibility of running the affairs of the PCOO,” sabi ng abogado sa kanyang press release.

Matatandaan na naging social media strategist din ito ng PCOO ng isang taon sa ilalim ni Pangulong Duterte.

Sa page naman na hawak ni Cruz-Angeles ay makikita na tuwang tuwa kahit ang mga kasamahan niya.

“Dear Fake Checkers, Papasok palang tayo sa exciting part. Love, Adrian Pascual (AP) Online Purok Leader,” sabi ng isa sa mga admin ng page ng abogado.

 

Facebook Comments