Home Celebrities Estudyante na tinapos ang sariling buhay dahil sa batikos ng Kakampink, dinalaw ni VP-elect Sara Duterte

Estudyante na tinapos ang sariling buhay dahil sa batikos ng Kakampink, dinalaw ni VP-elect Sara Duterte

0

Dinalaw ni Vice President-elect at Davao City Mayor Sara Duterte ang estudyante ng University of Antique na matatandaang tinapos ang sariling buhay matapos siyang batikusin ng mga Kakampink.

Sa social media post ng Antique public information office, makikita ang pagdalaw ni Duterte sa lamay ni Frederick Mark Bico Alba na matatandaang tinapos ang sariling buhay matapos ang pakikipag-argumento niya sa mga kakilala niyang sinusuportahan ang tambalang Leni-Kiko.

“Fredrick was known to be a supporter of BBM-SARA, a recipient of the provincial scholarship program, and a student of the University of Antique — a student leader who took his own life due to depression caused by cyberbullying,” ayon sa post ng Antique PIO.

Ipinagtanggol din ni Alba si senator-elect Loren Legarda na nagbigay sa kanya ng scholarship.

Halata naman ang pagkabigla at pagkalungkot ni Duterte matapos malaman kung ano ang istorya sa likod ni Alba.

 

Maliban kay Duterte ay binista din ni Legarda, Antique Gov. Rhodora Cadiao, San Jose Mayor Elmer Untaran at UA President Pablo Crespo Jr ang lamay ng estudyante.

Hanggang ngayon ay hindi pa nagsasalita ang Kakampink na nakipag-argumento kay Alba

280041931 172396708550026 7734461330010600084 n

280185848 172396771883353 463707807523626210 n
Ilan sa mga huling post at comments ni Alba sa kanyang social media account.

Ayon sa mga kapulisan ay matagal ng dumadanas ng depresyon si Alba.

Kung ikaw ay nakakaranas ng depresyon o anxiety dahil sa iyong mga problema sa buhay, maaring tawagan ang National Center for Mental Health Crisis sa mga numerong ito:

Globe/TM 09663514518 at 09178998727 o Smart/Sun/TNT 09086392672.

 

 

Facebook Comments