Home Celebrities Skusta Clee inulan ng batikos dahil sa kanyang sinabi na: “Not my baby”

Skusta Clee inulan ng batikos dahil sa kanyang sinabi na: “Not my baby”

0

Inulan ng batikos sa social media ang rapper na si Skusta Clee dahil sa kanyang ‘cryptic’ post sa gitna ng isyu na kinakasangkutan niya ngayon.

Matatandaan na naging kontrobersyal si Skusta dahil diumano sa pang-iiwan niya sa long-time partner na si Zeinab Harake na nagbubuntis pa naman noon at sa kanilang anak na si Zebbiana.

Nitong nakaraang araw ay nag-post si Skusta tungkol sa “baby” na hindi diumano kanya.

“Not my baby..” ani Skusta.

“Mababang uri ng tao. Gets nyo na yon!” dagdag niya pa.

Sa ngayon ay binura na ng rapper ang kanyang post ngunit maraming netizens ang nakapag-screencap ng nito.

Hindi naman malaman kung ang binabangit niya ba sa post niya ang ang anak nila ni Zeinab.

Gigil na gigil naman ang mga netizens sa rapper ngayon.

“Kung nasan ka man ngayun dyan ka nalang. Naawa ka tama na parusa hndi nya deserve ang tulad mo, mag pakaama ka nalang sa anak mo pero wag kanang bumalik pa hndi mo alam ung sakit na naidulot mo.” sabi ni netizen @queenlhyne23.

“PANGIT NA NGA MANLOLOKO PA MASAMA PA UGALI.  sayang! Sa pagiging mabuting tao kana nga lang makakabawi wala pa HAHA sinagad mo na kapangitan mo ikaw na
@skustacleezy16 HAHAH,” komento ni @shymacatiag.

Tila may reaksyon din si Zeinab sa mga nakaraang post ni Skusta.

“Pangit ka man sa paningin nila, tingin ko tama sila,” sabi ng vlogger.

Wala pang paliwanag si Skusta kung ano nga ba talaga ang ibig sabihin niya sa nasabing post.

Facebook Comments