Hinatulan na ng korte ang dalawang suspek na walang awang tumapos sa buhay ng magkapatid na sila Crizzle Gwen, 18 anyos at Crizzule Louis, 16.
Nitong Mayo 17, napuno ng emosyon ang paligid ng Kabacan Justice Hall sa Cotabato habang ibinababa ng hukom ang hatol sa tatlong menor-de-edad na suspek.
Ayon sa ulat ay hinatulan ng hanggang 34 taon na pagkakabilanggo ang dalawang suspek dahil sa kanilang ginawa sa magkapatid na Maguad.
Ngunit hindi nagustuhan ng pamilya Maguad ang naging hatol dahil ang gusto nila ay reclusion perpetua o habambuhay na pagkakabilanggo ang danasin ng mga suspek na ang isa ay kinupkop pa nila.
Isinisisi ng pamilya Maguad sa Republic Act 9344 or Juvenile Justice and Welfare Act of 2006 kaya’t hindi naparusahan ng todo ang dalawang suspek na matatandaan na hindi basta basta ang ginawa sa kanilang mga biktima.
Likha ni outgoing Sen. Francis “Kiko” Pangilinan ang nasabing batas.
Hiniling naman ng pamilya Maguad noon na kausapin sila ni Pangilinan ngunit hindi ito pinansin ng senador.
Sa ngayon daw ay hindi titigil ang pamilya ng mga biktima na makuha ang tamang hustisya para sa mga biktima.
“We won’t stop seeking maximum justice for you ate Gwynn n boyboy.we love you very much.buong Buhay ko isusugal ko to get justice mga anak.” sabi ni Mr. Cruz Maguad.
Sa ngayon ay humihingi ng tulong ang nasabing pamilya sa incoming senator Raffy Tulfo para matulungan sila pagdating sa kaso ni Gwen at Louis.