Home Celebrities Babes Bolick, may banat sa ex na si Aby Maraño: “Buntis ka tapos nagpalaglag ka tama ba yun?”

Babes Bolick, may banat sa ex na si Aby Maraño: “Buntis ka tapos nagpalaglag ka tama ba yun?”

0

Hindi na nakapagtimpi si Northport Batang Pier player Robert Bolick sa kanyang ex na si Aby Maraño matapos itong diumano’y patamaan matapos ang kasal ng PBA star sa influencer na si Cassandra Yu.

Nitong May 24, 2022 ay nag tweet si Maraño kung saan ay tila tinawag niyang “retri” ang ginawa sa kanya ni Bolick.

“When the time is right — iretri mo. GGWP,” ani Maraño.

Ang ‘retri’ ay termino sa larong Mobile Legends kung saan ay inaagaw ng player ang target ng kalaban.

Dahil dito ay tinapos na ni Bolick ang katahimikan niya at binatikos si Maraño.

Mabigat ang mga naging akusasyon ng PBA star sa volleyball player kung saan ay sinabi nito na nabuntis ito ngunit ipinalaglag niya.

“Una sa lahat [Aby] wag ka masyado feeling victim alam mo naman yung rason bakit ganun alam mo ginawa mo kumalat pa nga eh pero never ko linabas kasi kailangan pag-usapan yun as a couple,” ani Bolick.

“Masyado ka na diyan, tsaka sobra na rin alam mo ginawa mo buntis ka tapos nagpalaglag ka tama ba yun? Sino ba naman lalaki gusto sumama sa isang babaeng ganun? Mismo pamilya mo di alam, paano pa kaya teammate mo alam ba nila?” dagdag niya pa.

Ipinagpapasalamat naman niya na dumating si Cassandra sa buhay niya at wala siyang pagsisisi sa kanyang ginawa.

“Kaya nga nagpapasalamat ako na dumating asawa ko ngayon. Wala naman talaga siya kinalaman eh, di naman ng agaw never nangyare yun. Decision ko talaga na makipagkita na sa iba kasi wala na tayo eh, alam mo kasalanan mo tanggapin mo.” sabi pa ng PBA star.

Bago ang nasabing post ng PBA star ay matatandaan na hindi pabor kahit ang mga magulang ni Bolick sa kanyang pagpapakasal kay Yu.

“I don’t like this girl and she is not welcome in my house either in Ormoc or in the US.” sabi ni Mrs. Bolick.

Sinagot naman ito ng pamilya ni Yu at sinabi na hindi rin naman nila gusto ang PBA star.

“He has dragged my sister’s name into a mess that he created and he never stood up for it. He has been a bad influence, he has convinced my sister to proceed with the wedding without prior notice to our parents.” sabi ni Maria Carmela Yu na nagpakilalang kapatid ng asawa ni Bolick.

 

Facebook Comments