Home Netizen's Voice ‘Para sa Unity!’ Bongbong Marcos, hinimok ng ilang netizen na kunin si VP Leni bilang gabinete niya

‘Para sa Unity!’ Bongbong Marcos, hinimok ng ilang netizen na kunin si VP Leni bilang gabinete niya

0

Ilang netizens ang humihiling sa susunod na pangulo na si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na kuhanin sana nila Vice President Leni Robredo bilang parte ng kanilang gabinete.

Sa ilang komento sa social media, makikita ang mga netizens na hinihimok si Marcos na kunin si Robredo bilang parte ng kanyang administrasyon kung isinusulong nga talaga nito ang “pagkakaisa”.

“VP Leni as DILG or as DSWD? That is real unity and inclusivity. As we move on, as they call for unity, we can only achieve that by compromise, diversity and competence. Real unity is staying awake and having an open mind. The real threat is tribalism, hate and lies — we can only move forward by hard work, will and truth to power.” sabi ni netizen Jay Migueles.

“Hoy kunin nyo si VP Leni para magkaroon kayo ng tapat at mahusay na cabinet secretary.” komento naman ni Gian Carlo.

“Do You Actually think their Unity Cry is Real? I will believe it if he puts Bam Aquino, Mar Roxas to key Positions and after the 1 year Appointment Ban on Candidates, put Kiko as DAR Sec and Leni Robredo as DSWD Sec. then I will Believe their One and Only Platform of UNITY!” tweet naman ni @DITA_manila.

Sa ngayon ay wala pang tugon ang kampo ni Marcos kung posible nga ba nilang kunin si Robredo na isa sa mga pinakamahigpit nilang kritiko.

Nitong Lunes ay ibinunyag na ni Marcos ang mga posibleng maging parte ng kanyang gabinete.

Sila ay sina Arsenio Balisacan para sa NEDA, Benny Laguesma para sa DOLE, Toots Ople para sa Department of Migrant Workers at Rep. Boying Remulla bilang Justice Secretary.

Nauna ng ianunsyo ang pagkakatalaga kay presumptive vice president Sara Duterte bilang Education Secretary.

Facebook Comments