Home Celebrities Kyla, itinanggi na sinisisi niya ang gobyerno sa pagtaas ng presyo ng gas: “Grabe comments ng ibang tao!”

Kyla, itinanggi na sinisisi niya ang gobyerno sa pagtaas ng presyo ng gas: “Grabe comments ng ibang tao!”

0

Itinanggi ng singer na si Kyla Alvarez na sinisisi niya ang gobyerno matapos siyang mag-tweet tungkol sa pagtaas ng presyo ng gas kahit na hindi naman diumano tumataas ang sweldo ng mga tao.

Nag umpisa ang isyu ng mag tweet si Kyla kung saan ay inireklamo niya ang presyo ng gasolina.

“Sobrang mahal ng gas. Pero yung sweldo ng mga tao hindi naman tumataas. :(“ ani Kyla.

Dahil dito ay may ilang netizens ang hindi mapigilan na batikusin si Kyla dahil sa pagre-reklamo nito.

“Soooo…. What are you going to do about it? Any suggestions that can help increase salaries of workers and at the same time not to be a burden on employers? Or maybe a solution to end the worldwide oil crisis? Or we’re just complaining here?” sabi ni netizen @mechaion.

“Kyla ang gas krudo yan ay di hawak ng govt private sektor yan. At dpende s ekonomiya ng bansang nagbebenta ng gas.” komento naman ni @jhaypeewashere.

“INFLATION. Noong nag-aral po ba kayo di po ba tinuro sa inyo ng guro n’yo? Economics po subject niyan ma’am or baka absent ka nang itinuro sa inyo ‘yan?” tweet naman ng isa pang netizen.

Pinalagan naman ito ni Kyla at sinabi na wala siyang intensyon ng sisihin ang kahit sino sa nangyayari lalo na ang gobyerno.

“I am aware of what’s happening in the world.Grabe ang comments ng ibang tao.Everyone wants to be right nowadays.Kaya walang nangyayari.I was simply stating a sad reality. It’s NOT a complaint.I NEVER said it’s the government’s fault. Don’t put words in my mouth.” sabi ni Kyla.

“If you don’t understand what someone is saying and you react and call them names, without fully understanding the context of what they’re saying, what does that make you? It doesn’t make you any better than anyone else. What does that make you as a person?” tanong pa niya.

“If calling people names make you feel better, you need to start looking in the mirror. I feel sorry for some people spreading more hate in this world. I pray that in time, you’ll become a better person. God Bless You!” dagdag pa ng singer.

 

Facebook Comments