Tinanggap ni Cavite 7th District Rep. Boying Remulla ang nominasyon sa kanya bilang susunod na Secretary of Justice sa ilalim ng administrasyon ni presumptive president Ferdinand “Bongbong” Marcos.
Sa isang pahayag, sinabi ni Remulla na inalok siya ni Marcos na maging susunod na Justice Secretary at agad naman niya itong tinanggap.
Kinumpirma naman nitong Lunes ni Marcos na kinuha niya nga si Remulla sa kanyang gabinete.
Sa ngayon ay hindi naman malaman kung sino na ang magiging representante ng 7th district ng Cavite kapag tinanggap ni Remulla ang posisyon.
“I’d prefer meron paring nakaupo sa distrito ko because mahalaga sa pagsuporta sa pangulo. That’s one more congressman for the president hopefully, tutulong sa presidente,” sabi ni Remulla.
Nababagay naman daw para kay Remulla na isang magaling na abogado ang pagiging justice secretary.
“I have asked him to join the government as…the Secretary of the Department of Justice. I think he will be very good. He has…a great many years of experience in government… And what many people do not know he is a very, very good lawyer,” sabi ng susunod na pangulo.
Matatandaan na naging kontrobersyal si Remulla dahil sa isa siya sa mga gumisa noon sa ABS-CBN noong sila ay humihingi ng prangkisa.
Si Remulla din ang nagdala kay Marcos sa Cavite kung saan nanalo ang susunod na pangulo.
Hindi pa nagbibigay ng komento si Rep. Rodante Marcoleta na una ng nakalagay sa listahan bilang susunod na justice secretary.