Home Celebrities Gab Valenciano may bwelta sa kritiko na sinasabing “sayang lang effort”: “This is more than just winning or losing”

Gab Valenciano may bwelta sa kritiko na sinasabing “sayang lang effort”: “This is more than just winning or losing”

0

May bwelta si Gab Valenciano sa mga kritiko na sinasabing nasayang lang ang kanyang pagod sa pagdalo sa mga rally ni Vice President Leni Robredo dahil sa natalo din ang kanyang kandidato.

Sa pahayag sa kanya ng talent manager na si Ogie Diaz, sinabi niya na wala siyang pinagsisisihan sa pagsuporta kay Robredo kahit na natambakan ito ng mahigit 16,000,000 boto ng katunggali niya na si presumptive president Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ayon sa kanya ay ang kanyang pagsuporta kay Robredo ay hindi nakadepende sa kung mananalo ba o matatalo ang kanyang kandidato.

“Ang dami daming nagsasabi saakin na mga bashers, parang ‘sayang lang effort mo, talo naman kayo.’ For me, it’s not even about winning or losing it’s about doing the right thing. Para saakin, duon palang panalo na kami.” ani Gab.

“This is more than just winning or losing. Siyempre for the Filipino people. But at the end of the day, it really starts from kung sino ka as a person.

“Let’s start duon muna bago natin i-chage yung buong Pilipinas. Let’s change within ourselves. Thankfully with me, yun yung focus ko din. Not just para makita si tito Kiko manalo or si VP Leni. It was really about becoming a better person and the best version of myself.

Which I think na-attain ko siya during this campaign. Not just physically but mentally, emotionally. And in turn, I got to inspire people na rin.” sabi niya pa.

Matatandaan na nag-viral sa social media si Gab dahil sa kanyang mga performance sa rally ni Robredo.

Matapos nito ay sinamahan na siya ng kanyang ama na si Mr. Pure Energy Gary Valenciano upang pagbibigay ng suporta sa kanya.

 

Facebook Comments