Home Celebrities Ex ni Aby Maraño na si PBA-star Babes Bolick, ikinasal na kay Cassandra Yu

Ex ni Aby Maraño na si PBA-star Babes Bolick, ikinasal na kay Cassandra Yu

0

Ikinasal na ang Northport Batang Pier player na si Robert “Babes” Bolick sa influencer na si Cassandra Yu nitong Linggo, Mayo 22, 2022.

Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ni Cassandra ang mga ganap sa kanilang kasal ng basketball star na ginanap sa Cebu.

Mismong si Cebu City Mayor Michael Rama ang nagkasal sa dalawa habang si dating PBA star at ngayo’y politiko na si Dondon Hontiveros ang naging sponsor nila.

Larawan mula sa Instagram ni Cassandra Yu-Bolick (@kcassandrita)

“When the time is right, when the intention is clear, when the heart is ready, God will surely let you experience being loved by the person He prepared for you.” ani Cassandra sa kanyang post.

“We would like to thank Mayor Michael Rama for presiding our intimate civil wedding in Cebu and special thanks to Vice Mayor @dhonts7 for accommodating us last minute and for being one of our sponsor at the wedding last March 22, 2022.”

Larawan mula sa Instagram ni Cassandra Yu-Bolick (@kcassandrita)

Matatandaan na naging kontrobersyal ang relasyon ni Babes at Cassandra dahil sa ex ng basketball star na si Aby Maraño.

Inakusahan kasi noon ni Aby si Babes na nakikipagrelasyon na kay Cassandra ng hindi niya alam.

“Solid naman ng vacation nyo. Hindi ko alam may bago ka na?” sabi ng volleyball star.

Binatikos din ng ilang kaibigan ni Aby ang basketball star.

READ MORE: Aby Marano sa long time boyfriend niya na si Babes Bolick: “Solid naman ng vacation nyo. Hindi ko alam may bago ka na?”

Sa ngayon ay halata ang pangigigil ng mga fans ni Aby matapos tuluyang magpakasal ang basketball star.

 

Facebook Comments