Home Social Media Duterte, humingi ng paumanhin dahil hindi kayang matapos ang lahat ng proyekto: “Hindi ko na talaga kaya”

Duterte, humingi ng paumanhin dahil hindi kayang matapos ang lahat ng proyekto: “Hindi ko na talaga kaya”

0

Humingi ng paumanhin si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang mga kababayan at inamin na hindi matatapos ang lahat ng proyekto ng administrasyon bago matapos ang kanyang termino.

Sa kanyang talumpati sa pagtatalaga ng bagong pinuno ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa Pasig City nitong Lunes, sinabi ng pangulo na limitado lamang ang kanyang oras bilang pangulo at imposible niya ng mapatapos ang lahat ng kanyang proyekto.

Hindi naman daw siya nagkulang ngunit ang kalaban niya talaga ay ang oras dahil sa anim na taon lamang ang termino niya bilang presidente.

“In a few days I’ll be out. ‘Yung nagawa ko, para sa akin, ‘yun na ‘yun.” ani Duterte. “The best that my efforts kung really achieve. Kung kulang pa ‘yun pasensya na po at hindi ko na talaga kaya.” 

“The things that I failed to do, mostly not because of negligence or my mga shortcoming ako, but talaga time. Six years would not be enough to finish all the projects,” dagdag niya pa.

Sa June 30 ay matatapos na ang termino ni Pangulong Duterte at papalitan na siya ni presumptive president Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Nangako naman si Marcos noong kampanya na ipagpapatuloy ang mga nasimulan ni Duterte kasama na dito ang ‘Build, Build, Build’ ng kasalukuyang administrasyon.

Facebook Comments