Home Celebrities Dr. Clarita Carlos PhD ikinalungkot ang pagkatanggal sa kanya sa UP PolSci: “Sobrang sakit ng loob ko”

Dr. Clarita Carlos PhD ikinalungkot ang pagkatanggal sa kanya sa UP PolSci: “Sobrang sakit ng loob ko”

0

Inamin ni retired University of the Philippines (UP) political science professor Dr. Clarita Carlos na nasaktan siya matapos niyang malaman na tinanggal siya sa roster ng regular faculty members ng kanyang departamento na pinagsilbihan sa loob ng mahigit limang dekada.

Sa panayam sa kanya ng SMNI, sinabi ni Carlos na hindi naman niya hangad ang pagsikat ngunit hindi niya maiwasan na sumama ang loob lalo na’t 56 na taon siyang nagsilbi sa UP political science department.

“Ayaw ko namang sumikat. Dito lang ako sa university. Kaya lang talagang sobrang sakit ng loob ko na mantakin mo 56 years mong binubuno iyong mundo, iyong department, etc.. through sheer hard work and perseverance,” ani Carlos.

“Tinatatag mo iyong pangalan mo ng 56 years, tapos buburahin lang nitong mga bata na ‘to? ‘Diba ang sakit sa damdamin,” dagdag niya pa.

Inulan naman ng suporta si Carlos mula sa kanyang mga dating estudyante kasama na si dating presidential spokesperson Harry Roque.

“Doc. Carlos, I was one of your students @UP Diliman. It is very unfortunate that they delisted you from the UP Faculty. It is their loss Doc. Anyway, you will be a great Secretary of Foreign Affairs. UP is no longer the University of the Philippines that I hold so dear in my heart. Too bad it is now the University of the Pinklawans. Sad,” sabi ni Zaina Paporo.

“Burahin man nila hindi ka po mabubura sa mas nakararami nakatatak kna sa isip at puso nmin at may mataas na respeto..may mas magandang bagay ang nagaantay sau..” komento naman ni Liandre Sarbie.

READ MORE: Atty. Harry Roque, ipinagtanggol si Prof. Clarita Carlos: “Kikilabutan kayo sa sinasabi nyo!”

Matatandaan na nagreklamo si Carlos dahil sa mga miyembro ng UP PolSci department na gusto siyang i-cancel.

Sinubukan naman daw tapusin ng nasabing departamento ang isyu ngunit matapang na sinabi ni Carlos na dapat ay humingi muna ng paumanhin ang UP.

 

Facebook Comments