Home Celebrities Chot Reyes, naniniwala na maaring nanalo sila kung naglaro si Japeth Aguilar, Dwight Ramos at Robert Bolick

Chot Reyes, naniniwala na maaring nanalo sila kung naglaro si Japeth Aguilar, Dwight Ramos at Robert Bolick

0

Naniniwala ang Gilas Pilipinas coach Chot Reyes na maaring hindi sila natalo sa bansang Indonesia nitong nakaraang Southeast Asian (SEA) Games kung naglaro si Japeth Aguilar, Dwight Ramos, at Robert Bolick sa kanilang team.

Matatandaan na tumangging maglaro ang tatlong basketball player dahil sa iba’t ibang rason.

Si Aguilar ay nagpapagaling sa kanyang injury, habang si Ramos ay kailangang maglaro sa Japan B.League habang si Bolick naman ay inaalagaan ang kanyang may sakit na ama.

“Two things that really hurt us was Japeth’s injury. We needed a mobile big man, an extra mobile big man aside from Troy [Rosario]. And that should have been Japeth.” ani Reyes.

“And our outside shooting in the tournament was really bad. That was Dwight Ramos and Robert Bolick. Robert Bolick was our original starting point guard here. But like we said, things didn’t turn out the way we wanted. That’s the way it goes,” dagdag niya pa.

Ngunit nilinaw niya na sinisisi niya ang mga nasabing player sa kanilang pagkatalo.

“But still, no excuses. I thought we still have the team that could get the job done and we came up short,” sabi pa ng coach.

Natalo ang Gilas Pilipinas sa bansang Indonesia kaya’t bigong makakuha ng gold ang bansa matapos ang tatlong dekada nating paghahari sa SEA basketball.

Inako naman ni Reyes ang responsibilidad sa nangyari.

READ MORE: Coach Chot Reyes, pinagre-resign matapos hindi makakuha ng gold ang Gilas Pilipinas matapos ang tatlong dekada

“Obviously, that’s on me. I take full accountability and responsibility for the result.” sabi ng coach.

Facebook Comments