Ipinagtanggol ni dating presidential spokesperson Harry Roque si retired University of the Philippines Professor Clarita Carlos mula sa mga kritiko nito.
Sa kanyang Facebook post, ibinunyag ni Roque na isa ring produkto ng UP na si Carlos ang kanyang isa sa mga paboritong propesor na nagturo sa kanya sa nasabing unibersidad.
Ikinakalungkot ni Roque na ngayon ay nakakaranas si Carlos ng cancel culture dahil sa diumano’y pagsuporta nito sa mga adhikain ni presumptive president Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
“Professor Dr Clarita Carlos was my favorite teacher ever in all the Universities that I attended. Sad that she’s now a victim of crab mentality.” ani Roque.
“But you cannot put down a great Professor. Dr Claire Carlos will always be one of the best Professors that the UP system has ever had. This is coming from one who should know best: her student from 34 years ago!” dagdag niya pa.
Tinanong din ni Roque kung ang mga kritiko ba ni Carlos ay nakaranas ng pagtuturo ng retiradong propesor.
“Naging Prof ninyo ba sya? Obviously not for otherwise, kikilabutan kayo sa sinasabi nyo!” sabi pa niya.
Nagpasalamat naman si Carlos sa pagtatanggol sa kanya ni Roque.
“Salamat, Harry Roque! The greater concern is that our Department has now been infested by the most abominable type of Orwell’s THOUGHT POLICE in “1984”!” tugon ng propesor na nakilala sa kanyang pagbibigay ng payo tungkol sa geopolitics.
Matatandaan na nitong nakaraang mga araw ay binatikos ni Carlos ang diumano’y mga miyembro ng UP Political Science Department na gusto siyang i-cancel.
“After 56 years as pol sci professor, some cretins in my department now want to “cancel” me…really ? bring it on!” hamon ni Carlos.