Home Celebrities Coach Chot Reyes, pinagre-resign matapos hindi makakuha ng gold ang Gilas Pilipinas matapos ang tatlong dekada

Coach Chot Reyes, pinagre-resign matapos hindi makakuha ng gold ang Gilas Pilipinas matapos ang tatlong dekada

0

Sa unang pagkakataon sa loob ng 33 na taon ay bigong makakuha ng gintong medalya ang Pilipinas sa larong basketball sa ilalim ni Coach Chot Reyes sa Southeast Asian (SEA) Games.

Hindi makapaniwala ang mga basketball fans sa Pilipinas matapos matalo ang Gilas Pilipinas ng bansang Indonesia sa score na 85-81.

Dahil dito ay hindi naiwasan ng mga netizens na sisihin ang coach ng team Pilipinas na si Reyes na matatandaan na nagpakita ng suporta kay Vice President Leni Robredo na nagkataon na second place din sa nakaraang eleksyon.

Numero unong request ng mga basketball fans na ibalik ang dating coach ng Gilas na si Tab Baldwin na matatandaan na tinambakan noon ang Indonesia ng 25 puntos.

Bakit kasi pinalitan si coach Tab? Nung si coach Tab collegiate players ang dala nya twice nila tinalo ang Korea. Eto South East Asia lang di pa naka gold. Di ako bilib kay Chot Reyes talaga.” sabi ni netizen @PapaSmurt_26.

“Tab Baldwin handed Ls to Korea twice with a bunch of young guns. Chot Reyes lost to Indonesia with PBA superstars. No comparison needed. #GilasPilipinas,” tweet ni @papichulo9397.

“Why are these bums struggling against a mediocre Indonesian team? They aren’t this good, AT ALL, Chot Reyes is a certified dribble-drive merchant and his *ss should be fired and let Tab Baldwin coach this disgrace of a National squad. #SEAGames2021,” komento naman ni @beerrttybrates.

Naglabas naman ng pahayag si Reyes matapos ang makasaysayang pagkatalo ng Gilas.

“Indonesia came with a very good game plan,” pag amin ni Reyes.

“Obviously, that’s on me. I take full accountability and responsibility for the result.” dagdag niya pa.

Hindi naman malaman kung susundin niya ba ang payo ng mga netizens na mag-resign na.

Facebook Comments