HomeCelebritiesRobin Padilla may banat kay Edwin Lacierda at Franklin Drilon: "You had...

Robin Padilla may banat kay Edwin Lacierda at Franklin Drilon: “You had your time, it’s our time””

Binanatan ng numero unong senador ngayong halalan na si Robin Padilla ang mga kritiko niya na sina Former presidential spokesperson Edwin Lacierda at outgoing senate minority leader Franklin Drilon at kinuwestiyon kung bakit hindi pa siya nakakapasok sa senado ay binabatikos na kagad siya ng mga ito.

Sa kanyang Facebook live nitong Mayo 21, hindi nakapagpigil si Padilla na banggitin ang pangalan ni Lacierda at Drilon na tutol sa balak ng susunod na senador na amyendahan ang Saligang Batas.

“Si Sir Lacierda, ‘yung dating kay PNoy kumontra ‘yan, sinabi niya na bakit daw papalitan ang Saligang Batas eh pwede naman daw gawin ito, eh boss bakit hindi ninyo ginawa noong panahon niyo?” tanong ni Padilla.

“Anim na taon rin naman kayong nanungkuluan, bakit ‘yung mga suggest mo hindi niyo ginawa noong panahon niyo… Sa aking palagay kapag lumipas na ‘yung panahon niyo at kayo’y nanilbihan na at kayo ang pinakasiga at kayo ang humahawak ng imperial Manila noong panahon na ‘yon at ang lahat ng desisyon ang inyo, bakit hindi niyo ginawa ng sinabi ninyo?” dagdag niya pa.

Pinaalala ni Padilla na binigyan na sila Lacierda ng pagkakataon na pagsilbihan ang tao at wala ito sa lugar para diktahan ang mga bagong pinili ng taumbayan.

Sunod nitong binatikos si Drilon na tinawag niya ring “kontra” sa mga reporma na gusto niyang isulong.

“You had your time, it’s our time. Subukan naman natin ‘yung mga sinasabi namin, sinubukan na namin kayo eh,” wika ng aktor.

Matatandaan na nitong Mayo 19 ay nag tweet si Lacierda at sinabi na mas mainam kung gumawa na lamang ng batas si Padilla na makakatulong sa mga problema ng bansa kaysa sa ipilit pa nito na palitan ang kasalukuyang konstitusyon.

“We wait for your plans to address the problems related to employment benefits, wages & education that, in your view, can only be addressed through the more tortuous path of constitutional reform instead of by way of simple legislation.” ani Lacierda.

“The problem w/ Charter Change (ChaCha) is as much as you want to focus on certain issues, doing it would likewise open other provisions for change, not to mention it takes longer to do Chacha & lastly, it has to go thru people’s assent thru referendum. A long & costly process.

“The basic question and maybe we are missing out what Sen. Padilla sees is what fundamental problems exist in wages, benefits & education that require Chacha to be triggered rather than a simple law which is faster to enact & can benefit immediately the affected sectors?”

Samantala ay pinaalalahan naman ni Drilon ang mga baguhang senador kasama na si Padilla na mag-aral upang hindi mapahiya.

“Sa akin po dapat mag aral sila dahil po yung Senado ay parang aquarium, 24 lang sila at ang buong bansa ang nakatingin lalo na ngayong may social media…” ani Drilon.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular