HomeCelebritiesProf. Clarita Carlos pumalag sa listahan na inilabas ng UP: "I cannot...

Prof. Clarita Carlos pumalag sa listahan na inilabas ng UP: “I cannot allow people to destroy my name”

Hindi na nakapagtimpi si dating University of the Philippines (UP) political science professor Clarita Carlos at binatikos na nito ang unibersidad na kanyang pinagsilbihan ng ilang dekada.

Ito’y matapos maglabas ang UP Political Science Department ng listahan ng mga aktibo at retiradong faculty members ng kanilang unibersidad upang malabanan ang diumano’y “misinformation” ng publiko.

Sa kanyang Facebook post, ibinahagi ni Carlos ang kanyang tugon sa UP Pol Sci.

Ayon sa kanya ay hindi niya naman sinasabi na hanggang ngayon ay aktibo parin siya sa UP.

Nakatanggap din ito ng impormasyon na ilang miyembro ng UP Pol Sci ang sinasabi na nagpapanggap parin siyang aktibo sa UP kahit na hindi naman ito totoo.

Sinubukan na daw tapusin ng department chair ang isyu ngunit hindi pumayag si Carlos na matapos ito hangga’t hindi humihingi ng patawad ang UP Pol Sci sa kanilang akusasyon laban sa kanya.

“Aba, kayo nagumpisa nito, so, tapusin ninyo by admitting your accusations against me were baseless, in your next department meeting, so this will be reflected in the minutes;” ani Carlos.

Hindi naman papayag ang tanyag na propesor na masisira lamang ng kanyang ilang kasamahan noon sa UP ang kanyang pangalan.

“Hindi ako nagumpisa nito…But, I cannot allow people to destroy my name which I have painstakingly built in 56 years thru sheer hard work and perseverance…” wika ni Carlos.

Nagpahiwatig naman ito na maari siyang magsampa ng kaso sa mga naninira sa kanya.

Matatandaan na nitong nakaraang mga araw ay nag-post si Carlos tungkol sa mga diumano’y kasamahan niya sa UP na gusto siyang i-cancel.

“After 56 years as pol sci professor, some cretins in my department now want to ‘cancel’ me… really? Bring it on!” sabi niya.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular