HomeNetizen's VoiceBBM supporter na sinundan si Leni Robredo sa New York, gustong ipa-deport...

BBM supporter na sinundan si Leni Robredo sa New York, gustong ipa-deport ng mga Kakampink

Ilang Kakampink ang gustong ipa-deport ang isang Overseas Filipino Worker (OFW) na diumano’y sinundan si Vice President Leni Robredo sa paglilibot nito sa New York.

Inulan ng batikos ang OFW na nakilalang si Ernest Leigh na makikita sa ilang post sa social media na sinundan si Robredo sa mga pinuntahan nito sa New York kasama na ang pagsakay ng bise sa subway.

Sa nasabing mga larawan ay makikita na malayo si Leigh kay Robredo na kasama ang kanyang anak na si Jilian.

ernest leigh 1

Sa isang larawan naman ay makikita si Leigh na lumapit kay Robredo at nagpakuha ng larawan.

281946654 7776628839021333 8122474435793947143 n 1

Dahil dito ay tinawag na ‘stalker’ ng ilang Kakampink si Leigh at gusto nilang mapa-deport ito sa lalong madaling panahon dahil sa ginawa niya sa bise presidente.

“@USCIS @ICEgov @USEmbassyPH this guy, Ernest Leigh Bahala is a Filipino alleged illegal alien in the United States for 14 years and a stalker of the Philippine Vice President Leni G. Robredo. His address can be seen in this qt. Please imprison or deport him.” sabi ni @kurtniseverdeen.

Lol I actually reported Ernest Leigh, Sana ma deport,” sabi naman ni @dochotsauce94.

Humingi naman ng paumanhin si Leigh sa kanyang nagawa kay Robredo.

Itinanggi din nito na isa siyang illegal immigrant at sinabi na siya ay nagta-trabaho ng tapat sa New York.

“Foremost, I sincerely apologize to VP Leni Robredo for the ruckus that my post has caused. It was an innocent, harmless post taken out of context by some malicious individuals. I take full responsibility if I have offended VP Leni or her supporters with my post.” sabi ng OFW.

“Like any overly excited Filipino migrant worker LEGALLY living in New York, I always get excited and highly anticipate meeting famous and influential Filipino personalities when they visit the city. This is no different when I met VP Leni in Radio City Music Hall attending her daughter’s graduation. With some fellow Filipinos, I respectfully asked the Vice President for a picture, which she generously obliged. I captioned it based on my current state (that I was sleepy) and based on what I notice and saw VP Leni doing at that time.” dagdag niya pa.

Hindi rin daw siya isang stalker katulad ng sinasabi ng mga Kakampink.

“I am NOT a STALKER. This is a very grave accusation that I do not want myself to be associated with. I highly value privacy in the same manner as I value and protect mine. Thus, I cannot fathom why such an innocent post can wreak havoc to my quiet, simple life. I am now a subject of ridicule online with my face in very demeaning memes and my personal details posted coupled with threats of harm to my person and my loved ones.” sabi niya pa.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular