HomeCelebritiesTeddy Baguilat may patama: "Kaming mga nag aral sa gov erment...

Teddy Baguilat may patama: “Kaming mga nag aral sa gov erment kailangan naman natin mag artista”

May komento ang natalong senatorial candidate at dating Ifugao Rep. Teddy Baguilat sa desisyon ni incoming senator Raffy Tulfo na mag-aral ng Public Administration bago ang pagsabak nito sa senado.

Sa kanyang tweet kung saan ay isinama niya rin ang pangalan ni Robin Padilla ay sinabi ni Baguilat na sila namang mga nag-aral sa government ay susubukang mag-artista.

Matatandaan na parehong celebrity si Padilla at Tulfo bago sila pumasok sa politika na posibleng nakatulong upang ihalal sila ng taumbayan.

Habang si Baguilat naman na tumakbo din ngayong taon sa pagkasenador ay nakakuha lamang ng 4,228,793 na boto.

“Good that sina Sen Raffy and Sen Robin e mag aaral ng public ad para sa Senado. Kami naman na dati ng aral sa government e Kailangan naman magpasikat o mag artista. Charot. Hehe,” ani Baguilat.

Ilang followers naman ni Baguilat ang hindi napigilan magbiro.

“Hahaha Sir @TeddyBaguilatJr pwede po mag action star muna kayo, pasok po kayo sa Ang Probinsyano. Palagay ko 2025 elections malakas na panalo nyo, baka nga mag #1 pa kayo. Gnyan kalakaran ngayon, artista muna, takbo sa election, tapos saka mag aaral.” sabi ni @CVRE818.

“Time to enter youtube na rin po, Sir. It would be a great tool para makapag bigay tayo ng kaalaman tungkol sa ating culture/IPs since majority of Filipinos are engaged in social media na po.” mungkahi naman ni netizen @thegoodgengen.

“Sir @TeddyBaguilatJr, what if magtayo na lang po kayo ng boy group with Sir Matula and Sir Alex Lacson. Then ikaw center, leader, main vocal. Sir Alex as visual, face of the group, Sir Matula as rapper, lead dancer. Ayan Sir ganyan na lang tutal mas gusto ng pinoy sa baligtad,” wika ni @SOOYAAXLAUV.

Wala pang tugon si Padilla at Tulfo sa patama sa kanila ni Baguilat.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular