Home Celebrities Robin Padilla may tugon kay Drilon: “Mawalang galang na po sa inyo. Hindi po ako natatakot mapahiya”

Robin Padilla may tugon kay Drilon: “Mawalang galang na po sa inyo. Hindi po ako natatakot mapahiya”

0

Matapang na sinagot ng incoming senator na si Robin Padilla ang payo ni outgoing senate minority leader Franklin Drilon sa mga bagong senador na katulad niya.

Nitong Mayo 19, hinimok ni Drilon ang mga bagong senador katulad ni Raffy Tulfo at Padilla na mag-aral muna upang hindi sila mapahiya kapag sila na ang kukwestiyunin ng mga kapwa nila kasamahan sa senado.

“Ang aking payo sa aking mga kasamahan, unang-una, mag-aral po kayo. Pag-aralan niyo nang husto bago kayo tumayo sa plenaryo dahil syempre pagtayo mo sa plenaryo, magtatanong ang mga kasamahan niyo and will test the validity of your pronouncements. at kung di ka mag-aaral, baka mapahiya tayo,” ani Drilon.

“Pangalawa, sakin po, makinig muna sa mga nakakatanda, mga nakakatagal –– pakinggan muna, mag-observe muna. Wala namang masama,” he added. Tatlong buwan, anim na buwan, makinig muna sila at get the feel of it dahil may tradisyon ang Senado.” dagdag pa niya.

Ayon kay Drilon ay mas madami na ngayon ang nakatingin sa mga senador lalo na’t mayroon ng social media.

Nagbigay naman ng tugon si Padilla at sinabi na hindi siya natatakot na mapahiya upang ipaglaban ang kanyang mga isusulong na adbokasiya sa senado.

“Manong senador Franklin drilon, mawalang galang po sa inyo. Hindi po ako natatakot mapahiya, w ala pong nakakahiya sa pakikipaglaban hanggang sa huling hininga,” ani Padilla.

Sinabi din nito na hindi niya susundin ang ilang tradisyon sa senado kung ang magiging kapalit nito ay ang pananahimik niya.

“Susundin ko po lahat ang patakaran ng senado kaya po ako nag aaral
Pero hindi ang manahimik dahil akoy ipapahiya ng tradisyon. Buong buhay ko ako’y ipinahiya na ngunit ito pa rin ako nakatindig pa rin hawak ang bandila ng Pilipinas,” wika pa ng susunod na senador.

“Tsaka ko na po yuyukuan ang tradisyon po na inyong sinasambit kapag Meron na pong nakinabang sa 80 porciento ng mga Pilipino naghihikahos.” dagdag niya pa.
Si Padilla ang nakakuha ng pinakamaraming boto sa mga tumatakbo sa senado ngayong halalan 2022.
Wala pang tugon si Drilon sa mensahe sa kanya ni Padilla.
Facebook Comments