Home Politics BBM namalengke sa Australia: “Eto na po si Bongbong Marcos ‘yung diktador”

BBM namalengke sa Australia: “Eto na po si Bongbong Marcos ‘yung diktador”

0

Ibinahagi ni Atty. Liza Araneta-Marcos ang ilan sa mga ginagawa ngayon ni presumptive president Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa kanilang family trip sa Australia ilang Linggo bago sila maupo sa Malacanang.

Sa isang video na ibinahagi ni RJ “Thinking Pinoy” Nieto ay makikita si Marcos at ang kanyang anak na si Vinny Marcos habang namimili ng gamit sa isang palengke sa Australia.

Makikita naman na tig-iisa sila ng buhat ng mga pinamili at kahit ang susunod na pangulo ay hindi nagdalawang isip na tumulong sa pagbubuhat.

Hindi naman maiwasan ng pamilya Marcos na magbiro habang naglalakad pauwi tungkol sa bansag sa kanilang ‘diktador’.

“Hello nandito po si Bongbong Marcos ‘yung diktador,” sabi ni Mrs. Marcos.

“Diktador ba? O dalhin mo to,” pabirong tugon naman ng susunod na pangulo.

Bago matapos ang video ay makikita naman si Marcos na nakikipag-selfie sa mga nakakilala sa kanyang Overseas Filipino Worker (OFW) sa Australia.

Ikinatuwa naman ng mga followers ni Marcos ang nasaksihan nilang video.

“Aww what a simple and down to earth family. Humility at its finest. Yan ang Presidente namin, he leads by example.” sabi ni Barbs Lopez.

“Oh baka gagawin na naman itong issue ng kabilang parlor ha,” ani Irene Elera.

“Awwww… Last na po yan na maging normal po buhay nyo apo bbm, walang bodyguard. Sa pag uwi ng pinas naku dami na naman bantay,” komento naman ni Theresa Tan.

Inaasahan na uuwi na sa Pilipinas ngayong Linggo ang pamilya Marcos upang ipagpatuloy ang kanilang trabaho bago ang pag-uumpisa ng kanilang administrasyon.

Facebook Comments