Home Celebrities Australian blogger na si Doc Adam, binira ng mga netizens dahil sa pangingialam sa politika ng Pilipinas

Australian blogger na si Doc Adam, binira ng mga netizens dahil sa pangingialam sa politika ng Pilipinas

0

Hindi na nakapagtimpi ang mga netizens na birahin ang Australian blogger na si Dr. Adam Smith o mas kilala bilang ‘Doc Adam’ dahil sa pangingialam nito sa politika.

Matatandaan na matapos nitong manghingi ng pera sa mga Filipino fans niya upang pondohan ang kaso na isinampa sa kanya ng isang negosyante ay inaakusahan naman ngayon ito ng mga netizens ng nangingialam sa mga parehong tao na tumulong sa kanya.

Tinawag ng banyagang si Doc Adam na puno ng misimpormasyon ang eleksyon sa Pilipinas.

Nakilala si Doc Adam sa kanyang adbokasiya na magpakalat ng tamang impormasyon tungkol sa kalusugan at ngayon naman ay tila pinapasok niya na rin ang pangangaral sa mga Pilipino pagdating sa politika.

“I’m feeling sad and angry that the Philippine Election was full of DISINFORMATION and MISINFORMATION. Kahit Team BongBong o Team Leni ka, alam ninyo na misinformation affected this election. Hindi naman tama yan. Hindi maganda yan para sa bansa. Hindi maganda yan para as tao. Filipinos should be able to rely on TOTOONG KAALAMAN para makapag-decide tungkol sa bagong President nila and sino ang dapat magpatakbo sa Bansa nila,” sabi ng doktor.

Kinuwestiyon din nito ang aktor na si Robin Padilla kung bakit ito tumakbo sa politika at hindi nalang namalagi bilang artista.

doc adam 1

Nitong Marso ang pinatamaan din nito si presumptive president Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na diumano’y hindi nagbabayad ng tamang buwis.

READ MORE: Doc Adam Smith, pinasaringan ang mga boboto sa kandidato na ‘di nagbabayad ng tax’

Dahil dito ay hindi na nakapagpigil ang mga Pilipino na batikusin ang banyaga dahil sa kanyang mga pinagsasasabi.

“Again, stick to health. You’ve earned enough from Filipinos on FB, the very platform you’re whining about. Having concern is appreciated but doesn’t give you the moral high horse unless you live HERE with US going through daily what you so easily whine and complain about over there in Australia. As long as you don’t pay taxes or live here, your righteousness isn’t warranted. Hope you win your case. Some of our hardworking countrymen’s money is in your coffers to defend YOU from something you did FOR US. The irony.” sabi ni Eva Marie Poon.

“Dami mong dada doc. Mag focus ka nalang kung anong field mo wag na makialam sa politica sa pilipinas wala kang alam. Hirap sayo parang alam mo na lahat eh. Dami pang sinasabi sa huli mag online limos lang din pala sa mga pilipino. Isa pa tong ibang pinoy na sobrang hanga sa mga puti.” sabi naman ni Aine Benito Erana.

Matatandaan na binalaan ng Bureau of Immigration (BI) ang mga banyaga na mangialam pagdating sa politika ng bansa.

Ipinagbabawal ang mga banyaga na makisama sa mga rally at kampanya dito sa Pilipinas.

Hindi naman malaman kung kasama din sa ipinagbabawal ang pangingialam ng mga banyaga sa mga Pilipino sa pagpili ng kanilang iboboto.

“We are sending this early reminder as we have encountered so many deportation cases of foreigners who have engaged in political activities in the past,” sabi ng BI.

“Those foreigners who will be found guilty of such acts, especially electioneering, shall be deported and blacklisted, perpetually barring them from returning to the Philippines,” dagdag pa nila.

 

Facebook Comments