Home Politics Prince Charles ng Britain, nagbigay ng komento tungkol kay Bongbong Marcos

Prince Charles ng Britain, nagbigay ng komento tungkol kay Bongbong Marcos

0

Ikinagulat ng mga netizens ang isang video na ibinahagi ng Overseas Filipino Worker (OFW) na si @superjenni8 kung saan ay makikita si Prince Charles ng United Kingdom na binabati ang kanyang mga Pinilipino na kanyang nadaanan.

Sa nasabing video, makikita ang prinsipe na kinakamusta ang mga Pilipino kung saan ay pinuri niya ang Pilipinas at tinawag itong “very good part of the world.”

Nasupresa naman ang OFW dahil sa alam din ni Prince Chares na katatapos lamang ng eleksyon sa Pilipinas at kilala rin nito ang nanalo.

“I see you elected a new president” wika ng prinsipe.  “yeah, we love it.” tugon naman ng mga OFW.

“Bongbong? Bongbong Marcos? What a wonderful name,” sabi pa ni Prince Charles.

Ikinatuwa naman ng mga netizens na alam ng prinsipe ang nangyayari sa Pilipinas at kung sino ang pinili ng mga Pilipino na maging susunod nilang lider.

Matatandaan na noong 1975 ay nagkita si Prince Charles at ang ina ni BBM na si dating First Lady Imelda Marcos sa Nepal upang saksihan ang koronasyon ni King Birendra.

Sa United Kingdom din namalagi noon ang presumptive president kung saan ito ay nag-aral.

Sa ngayon ay wala pang tugon ang kampo ni Marcos sa komentong ito ni Prince Charles.

Facebook Comments