Home Celebrities Ogie Diaz sa piloto ng Cebu Pacific: “Di ba dapat alisan ng trabaho para maging warning”

Ogie Diaz sa piloto ng Cebu Pacific: “Di ba dapat alisan ng trabaho para maging warning”

0

Hindi kontento ang talent manager at vlogger na si Ogie Diaz sa naging aksyon ng Cebu Pacific sa kanilang piloto na nakilalang si Capt. Van Ranoa.

Matatandaan na inulan ng batikos sa social media si Ranoa dahil sa kanyang ibinahaging istorya sa Facebook tungkol sa diumano’y paghingi ni Vice President Leni Robredo ng priority landing na naging dahilan ng pagkaantala ng ilang biyahe.

Agad naman na umaksyon ang Cebu Pacific at sinabi na dumadaan na sa ‘disciplinary review’ ang nasabing piloto.

Ngunit ayon kay Ogie, parang hindi sapat ang naging tugon ng airline company sa ginawa ng kanilang piloto.

Ang dapat daw sana ay tinanggal na ng tuluyan si Ranoa sa kanyang trabaho upang sa gayon ay maging seryoso itong babala sa iba pang nagta-trabaho sa Cebu Pacific na huwag magpakalat ng mali daw na impormasyon.

“Yun lang yon? Di ba dapat alisan ng trabaho para maging warning sa ibang empleyado na yung kag*guhan nila ay ikakawala nila ng trabaho. Para nag iingat na next time.” wika ng talent manager.

ogie diaz tweet
Screencap ng tweet ni Ogie Diaz @ogiediaz

Nakakuha naman ng iba’t ibang reaksyon si Ogie sa kanyang pahayag.

“Ang bilis niyo lamang po makasabi na tanggalan ng trabaho. Parang hindi niyo rin naranasan na matanggalan ng prangkisa na ayon po sa inyo ay hindi makatarungan. Kung may higit na makakaunawa man sa kahirapang makahanap ng trabaho, kayo po iyon.” sabi ni netizen @jasreignchubs

“Pag ganyan kagrabe ang incident, sa ibang bansa lalo na sa America either Resign or Fire Out! Sa Pinas, patigasan ng mukha.” komento naman ni @sebseb_8.

“This pilot is also apparently a content creator in a company while being employed by Cebu Pac. Ok lang yun. But his being content creator got in the way and got the better of him. He should apologize publicly to the VP,not only the Head of Pilot Group,” wika naman ni @lakeinamountain.

cebu pacific

Sa ngayon ay wala pang pahayag ang nasabing kumpanya kung ano ang magiging susunod nilang hakbang.

Facebook Comments