Home Social Media Loren Legarda, sinamahan ng kanyang anak na si Leandro Leviste sa proclamation niya

Loren Legarda, sinamahan ng kanyang anak na si Leandro Leviste sa proclamation niya

0

Naging madamdamin ang proclamation ni incoming senator Loren Legarda matapos siyang samahan mismo ng kanyang anak na si Leandro Leviste sa kanyang pagtanggap ng certificate of proclamation.

Sa isang video sa social media, makikita ang pagyakap ni Legarda sa kanyang anak na matatandaan na ipinagtanggol siya sa social media.

Pinasalamatan naman ni Legarda ang kanyang anak ngunit hindi nito binanggit ang isa pa niyang supling na si Lorenzo na matatandaan na binatikos at tinakwil siya sa social media dahil sa pakikipag-alyansa kay presumptive president Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Matatandaan na sa isang op-ed sa Rappler ay binatikos ni Lorenzo ang kanyang sariling ina at tinawag itong “nakakadiri” at dahil daw sa pagkamuhi niya ay gusto niya na daw na mawala sa mundong ito.

“I need everyone to know that Loren Legarda lost her son forever because of this. Paint her bright red with that shame. Don’t let her forget it. In the words of a wise woman: I don’t know her.” sabi ni Lorenzo na naninirahan ngayon sa ibang bansa.

Matapos ang ilang araw ay naglabas naman ng mensahe si Leandro at ibinahagi ang pagmamahal at paghanga niya sa kanyang ina.

“There was no political logic for my mom to author the Ecological Solid Waste Management Act of 2000, the Philippine Tropical Fabrics Law of 2004, or even the Climate Change Act of 2008… She champions causes, recognized or not, due to her deeply-rooted sense of responsibility to do what is right,” sabi ni Leandro na ring matagumpay na negosyante dito sa bansa.

Facebook Comments