Home Celebrities Rock Dela Rosa sa pagka-aresto ni Mon Tulfo: “Gawan mo pa ako ng kwento hahaha”

Rock Dela Rosa sa pagka-aresto ni Mon Tulfo: “Gawan mo pa ako ng kwento hahaha”

0

Hindi naitago ng anak ni Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa na si Rock ang pagkagalak matapos maaresto ang broadcaster na si Ramon “Mon” Tulfo.

Matatandaan na inaresto nitong Miyerkules, Mayo 18 si Tulfo dahil sa isinampang cyberlibel case ni dating Department of Justice (DOJ) Sec. Vitaliano Aguirre.

“Tagam ! Gawan mo pa ako ng kwento hahaha..” sabi ni Dela Rosa sa kanyang Facebook post kung saan ibinahagi niya rin ang report tungkol sa pagkaka-aresto kay Tulfo.

Nitong 2017 ay isinulat ni Tulfo sa kanyang kolumn sa Philippine Star ang diumano’y VIP treatment na natatanggap ni Dela Rosa sa Philippine Military Academy (PMA) dahil sa impluwensya ng kanyang ama.

“The young Dela Rosa was never subjected to discipline by upper-class cadets, tactical officers and professors at the PNPA, courtesy of his father who was still in the service at the time.” ani Tulfo.

“Rock dela Rosa would slip away every night from the cadet barracks and sleep in his home or at the Special Action Force (SAF) camp a few kilometers away from the PNPA campus. He would return to the campus early in the morning.” dagdag pa nito.

Tinawag din ni Tulfo na “clown” ang dating hepe ng PNP.

Tinawag din ng senador na “walang kredibilidad” si Tulfo at sinabi na wag na lamang itong pansinin.

“Deadma mo na lang ‘yan. Wala naman ‘yang credibility. Puro libel ang kaso niyan,” sabi ni Bato.

“His allegation against cadet Rock dela Rosa is a big insult to the PNPA administration. He should show proof on his allegations otherwise he is just a plain tsismoso. I don’t want to add to his libel cases,” sabi niya pa.

Facebook Comments