Home Celebrities Mon Tulfo, arestado ndahil sa kinakaharap na libel case na isinampa sa kanya ng dating opisyal

Mon Tulfo, arestado ndahil sa kinakaharap na libel case na isinampa sa kanya ng dating opisyal

0

Inaresto ng mga miyembro ng Philippine National Police (PNP) ang broadcaster na si Mon Tulfo dahil sa libel case na isinampa sa kanya ng isang dating mataas na opisyal ng gobyerno.

Ayon sa mga ulat ay si dating Justice Sec. Vitaliano Aguirre ang nagsampa ng libel laban kay Tulfo.

“[P]rior to the arrest [a certain] Atty Lean Cruz, [counsel] for the complainant informed this office about the case and seek police assistance to arrest the accused,” wika ni ng Manila Police District public information office.

“The accused was duly informed of her Constitutional Rights under R.A. 7438 in a language known to and understood by his and the nature of the charged being imputed against him but opted to remain silent.” dagdag pa nila.

Larawan mula sa DZBB

Matatandaan na inakusahan noon ni Tulfo si Aguirre na nagbibigay ng proteksyon sa mga sindikato upang magawa ang kontrobersyal na “pastillas” scheme sa Bureau of Immigration.

Hindi naman malaman kung may kinalaman ang akusasyon ni Tulfo noon kay Aguirre sa kinakaharap na libel ng broadcaster.

Nangyari ang pag-aresto ilang araw matapos sabihin ng kapatid ng broadcaster na si incoming Sen. Raffy Tulfo na gusto niyang i-decriminalize ang libel dahil ginagamit lamang daw ito ng mga opisyal ng gobyerno para takutin ang mga mamamahayag.

 

Facebook Comments